Claudine Barretto, Raymart Santiago postpone annulment case for the sake of their kids

Claudine Barretto on postponing annulment case with estranged husband Raymart Santiago: "Pag nag-jump kami sa annulment ngayon, mabubuwag ulit yung foundation na yun, kasi mag-uungkatan na naman. So, ayaw na muna namin. Tutal wala naman akong boyfriend, wala naman siyang girlfriend, at hindi naman kami magkakabalikan, so okay na lang ganun na lang."


Single pa rin si Claudine Barretto ngayon pero masaya naman daw siya sa status niya.

"Happy. Very, very happy," sagot ng aktres nang matanong tungkol dito sa press conference ng kanyang pinagbibidahang teleserye sa TV5, ang Bakit Manipis ang Ulap.

Kumusta naman ang annulment case nila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago?

Ayon kay Claudine, "Hindi pa rin po kami nag-start sa annulment. So, stop muna kami sa annulment.

"Kami ni Raymart ngayon, we're really very good friends.

"We're really trying our best talaga to be good parents.

"Kasi nga, nag-fail na po kami as husband and wife sa mga anak namin. So, we don't wanna fail as parents naman.

"Napag-usapan namin na i-stop na lahat-lahat ng mga kaso and mag-co-parenting na lang kami sa pagpapalaki ng mga anak namin.

"And now na meron kaming naayos na foundation, strong foundation na sobrang solid talaga when it comes to our kids, napag-usapan namin."

ANNULMENT CASE. Ikinuwento rin ni Claudine kung paano nila napagdesisyunan ni Raymart na isantabi muna ang kanilang annulment case.

"Sabi ko kasi sa kanya na, 'Ano, mag-a-annulment na ba tayo? May girlfriend ka na ba?'

"Sabi niya hindi na daw siya ikakasal. Sabi ko, ayoko na rin.

"So, sabi niya, 'Stop muna natin. Huwag na muna tayong mag-annulment.'

"Kasi yung kids, ngayon lang nila nae-enjoy kami ulit together, paminsan-minsan, like sa school or kumakain sa labas.

"Or, like yesterday... kasi may sakit siya [Raymart] ngayon.

"It was the first time yesterday na pinayagan ko ang mga anak ko to go to his place to stay there for the whole day para alagaan ang papa nila.

"Yun, very, very happy. So, happy yung kids."

Nag-aalala raw kasi silang kapag itinuloy nila ngayon ang annulment, makaapekto ito sa mga anak nilang sina Sabina at Santino.

"Pag nag-jump kami sa annulment ngayon, mabubuwag ulit yung foundation na yun, kasi mag-uungkatan na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ayaw na muna namin.

"Tutal wala naman akong boyfriend, wala naman siyang girlfriend, at hindi naman kami magkakabalikan, so okay na lang ganun na lang.

"Magastos rin. Ang dami pa naming binabayarang kaso."

Pero itutuloy raw nila ang annulment case kapag handa na ang mga bata.

"Ang ano ho talaga namin, pag ready na yung kids.

"Kasi na-accept na nila na iba na ang house ni Papa, iba na ang house ni Mama.

"And he can see them anytime.

"Yung annulment, pag na-in love ako siguro, pag na-in love ako ulit, or pag may girlfriend na siya.

"Sinabi ko pa, bigyan niya ako ng heads up."

Tiniyak ni Claudine na wala nang chance na magkabalikan pa sila ni Raymart.

"But we really are trying to be the best of friends for the kids talaga," sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN