Angelica Panganiban follows ex-boyfriend Derek Ramsay on Instagram

Angelica Panganiban has started following ex-boyfriend Derek Ramsay on Instagram again.


Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y pag-follow muli ni Angelica Panganiban sa dating boyfriend na si Derek Ramsay sa Instagram.

Lumabas ngayon sa social media at ilang blogs ang screenshot na ito:

Sa "following" list ni Angelica, makikita rito ang pangalan ni Derek.

Sa kabilang banda, sa "following" list ni Derek ay makikita naman ang pangalan ni Angelica.

Dahil dito, hindi maiwasan ng ilan na iugnay ito sa napapabalitang hiwalayan diumano nina Angelica at John Lloyd Cruz.

Subalit nilinaw na ito ng Pangako Sa 'Yo actress sa radio host at talent manager na si Ogie Diaz.

Sa kanyang programa sa Teleradyo kamakailan, ibinalita ni Ogie na sinabi raw sa kanya ni Angelica na "Kami pa rin," na ang tinutukoy ay ang estado ng relasyon nila ni John Lloyd.

Isa rin itong patunay na hindi totoo ang bali-balitang nagkakamabutihan na si John Lloyd at ang perennial loveteam partner niyang si Bea Alonzo, na usap-usapang hiwalay na sa boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.

Sa kabilang banda, masaya naman si Derek sa piling ng kanyang girlfriend ngayon na si Joanne Villablanca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN