Heart Evangelista takes a break from showbiz to focus on painting

Heart Evangelista on having a baby: "I have the responsibilities with work and contracts. I don't want to be unprofessional about stuff, so tatapusin ko muna yung mga kailangan kong tapusin. And then that's when I'll have time to give my child all the time in the world."


Magpapahinga muna raw ang actress-TV host na si Heart Evangelista sa pagiging artista dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagpipinta.

Paliwanag ng Kapuso star, "Pagdating sa showbiz, hindi mo naman alam kung hanggang kailan ka mamahalin ng tao.

"But with painting, as you get older, and when time comes to pass, the more precious your paintings are, you will be remembered.

"I want something to leave behind. I want to fall in love with something that would be precious and treasured by people.

"Then something that people will fall in love with somebody else, you know, with some other artists."

At kung magiging busy man si Heart sa pagpipinta sa signature bags at fashion dresses, hindi pa rin naman daw niya makakalimutan ang kanyang first love -- ang pag-aartista.

Nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa launch ng MBxLM Collection, nitong Lunes, January 18, sa Dusit Thani Hotel, Makati City.

BABY PLANS. Samantala, mag-iisang taon nang kasal si Heart kay Senator Chiz Escudero sa February 15.

Kung mabibigyan man daw ng pagkakataon, sa katapusan ng taon nila balak magkaanak.

Ani Heart, "I have the responsibilities with work and contracts.

"I don't want to be unprofessional about stuff, so tatapusin ko muna yung mga kailangan kong tapusin.

"And then that's when I'll have time to give my child all the time in the world.

"Sa kanya na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN