Valeen Montenegro accused of being third party in Ciara Sotto-Jojo Oconer separation

Binasag na ng kampo ni Valeen Montenegro (kaliwa) ang kanilang katahimikan tungkol sa balitang sangkot diumano ang aktres sa hiwalayan nina Ciara Sotto (kanan) at Jojo Oconer. Sabi ng manager ng Sunday Pinasaya mainstay, "It's not true that Valeen is Sir Jojo Oconer's 'girl."


Kung anu-anong masasakit na salita ang ikinukomento ng ilang netizens sa Instagram account ng actress-TV host na si Valeen Montenegro.

Ang dahilan? Ang 25-year-old Kapuso star ang itinuturong third party sa paghihiwalay ni Ciara Sotto at ng asawa nitong si Jojo Oconer.

Si Ciara ay halos limang taon nang kasal kay Jojo; kung saan mayroon silang 11-month-old na anak.

Last week, ipinaalam ni Ciara sa kanyang followers sa Instagram na nilisan na niya ang kanilang tahanan dahil daw sa pangangaliwa ng kanyang mister.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Jojo Oconer

THE VALEEN-JOJO CONNECTION. Tanong ng marami: ano nga ba ang koneksiyon nina Valeen at Jojo?

Ayon sa mga nasulat sa ilang tabloids at base na rin sa nakatala sa Internet, si Jojo ay senior vice president at chief operating officer ng APT Entertainment, ang producer ng Sunday PinaSaya at isa rin sa producers ng Princess in the Palace.

Parehong kasama sa mga nasabing programa si Valeen.

Kasama rin si Ciara sa Princess in the Palace, kung saan ginagampanan niya ang papel ng misis ni Marc Abaya na mayroong kabit. Si Valeen ang gumaganap bilang kabit ni Marc.

Ang APT rin ang isa sa producers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 entry na My Bebe Love, kung saan kasama rin sa cast si Valeen.

Ayon sa mga haka-haka, kaya raw nabibigyan ng maraming proyekto si Valeen dahil diumano sa ugnayan nila ni Jojo.

Si Valeen ay galing sa ABS-CBN kung saan naging bahagi ito ng mga show na Abt Ur Luv at Ysabella.

Noong 2008 ay lumipat siya sa TV5 at naging co-host ng Artista Academy.

Nabigyan pa siya ng ibang shows sa Kapatid Network katulad ng Lokomoko U, P.O.5, Jeepney Jackpot: Pera o Para, at Happy Truck ng Bayan.

Taong 2015, lumipat si Valeen sa GMA via Sunday Pinasaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THIRD PARTY? Simula nang pumutok ang hiwalayang Ciara at Jojo, nakaladkad na ang pangalan ni Valeen sa kontrobersiya.

Maliban sa blind items, may ilang mga panulat ang pinangalanan si Valeen na siya diumanong dahilan ng pagkasira ng pagsasama nina Ciara at Jojo.

Ayon sa column ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon noong January 16, galit na galit diumano ang mag-asawang Senator Tito Sotto at Helen Gamboa sa ginawang ito ni Jojo sa kanilang bunsong anak.

Malamang din daw na matanggal sa APT Entertainment si Jojo.

Sa column naman ni Mario Bautista sa People's Journal noong Sabado, January 16, sinabi niyang marami ang nagulat nang lumipat si Valeen sa Kapuso network, sa pamamagitan ng TAPE at APT Entertainment, at napanood sa mga programang Sunday Pinasaya at Princess in the Palace.

Sabi pa ni Mario sa kanyang column: "Someone even asked: 'Sino kaya ang padrino niyan? Ang lakas niya sa TAPE at APT, ha.'"

Sabi naman ni RK Villacorta sa kanyang Reyted K column sa Pinoy Parazzi kahapon January 18, "From a very reliable source, may dalawang instances na diumanong nahuli ng aktres ang mister at si VM, na sa usap-usapan sa social media, si Valeen Montenegro diumano ang tinutukoy na third party."

Si Valeen ay apo ng dating LVN Pictures matinee idol na si Mario Montenegro.

"IT'S NOT TRUE." Sa column ni Jobert Sucaldito sa Bandera noong Linggo, January 17, hinimay nito ang ilang detalye tungkol sa kontrobersiya.

Aniya, labis daw na nasaktan sa pangyayari si Ciara dahil isang taon pa lang halos ang kanilang anak tapos saka naman sila nagkaroon ng problema ni Jojo.

Kuwento pa niya, habang nasa ere ang radio program nila ni Ahwel Paz na Mismo sa DZMM, nag-text daw sa kanya ang manager ni Valeen na si Olive de Jesus at pinabulaanan nitong ang alaga ang dahilan ng hiwalayan nina Ciara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Text daw ni Olive sa kanya: "Hi Jobert. Olive de Jesus here, manager of Valeen. It's not true that Valeen is Sir Jojo Oconer's 'girl.' Si Mamu Andrew de Real ang nag-recommend kay Valeen sa APT. Then we had a meeting with Mr. T [Tony Tuviera] and Direk Mike Tuviera.

"That's how she got into Sunday PinaSaya. I hope we can clarify the issue. Thank you."

Pero may isa raw "very reliable source" si Jobert na nagsasabing nanggigil daw sa galit ang kampo ni Ciara sa kasinungalingan ng manager ni Valeen.

"AY SINABI MO." Sa kanyang Twitter account, ganito ang post ni Ciara noong Linggo, January 17:

Tila makahulugan naman ang sagot ni Ciara sa isa niyang Twitter follower na nag-tweet tungkol sa "maang-maangan school of acting."

Nagkataon kasing noong Linggo ang regular airing ng Sunday PinaSaya kung saan kasali si Valeen sa segment na "Coach Cynthia's School of Overacting."

Ayon kay Kara dela Rosa: "@ciara_anna Pag may mabaho, may basura. Pag guilty, maang-maangan school of acting!!!"

Pagsang-ayon naman dito ni Ciara: "Ay sinabi mo."

Nagpadala na ang PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kina Ciara, Valeen at sa manager nitong si Olive para kunin ang kanilang panig ngunit hindi pa sila sumasagot hanggang ngayon.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP kung may nais silang ipahayag tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN