Dingdong Dantes describes his first year of marriage

Dingdong Dantes is a strong believer of destiny. He says, "Ipinanganak pa lang tayo, meron na talagang naka-destined na pupuntahan ka. It's just a matter kung anong choices ang gagawin mo that will lead you to that destination of yours. Minsan magiging mahirap, minsan magiging madali. But at the end of the day, yung pagkatao mo ang magdidikta kung saan ka talaga pupunta."


Noong December 30, 2015 ay ipinagdiwang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang first wedding anniversary.

Kumusta naman ang unang taong pagsasama nila ni Marian bilang mag-asawa? Ito ba yung inaasahan niya o higit pa sa kanyang inaasahan?

Saad ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala akong in-expect, e. 

“Pero alam mo yung mauuna yung kagandahan ng experience tapos nag-a-adapt ka na lang.

“Ang sarap ng feeling na sabay niyong ginagawa yun.”

Ayon kay Dingdong, plinano nilang isabay na sana sa first anniversary nila ang binyag ng anak nilang si Maria Letizia.

“Yun nga lang, bilang first-time parents, may pakiramdam kami na baka masyado pang delikado sa kanya na ma-expose nang ganung kaaga.

“Nag-reevaluate kami. Although, para sa amin, kailangan siyang mabinyagan agad at yun ay pinaplano na namin," paliwanag niya.

DESTINY. Marami ang nagsasabing tila wala nang mahihiling pa ngayon si Dingdong.

Nasa tuktok pa rin siya ng kanyang career, may maganda at mabait na asawa, at biniyayaan din ng magandang anak.

Bukod sa kanyang showbiz career ay naglilingkod din siya sa bayan bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission at may sarili rin siyang adbokasiya sa pamamagitan ng Yes Pinoy Foundation.

Idagdag pa rito ang ilang mga negosyo niya.

Pero ayon kay Dingdong, “Wala namang ideal sa mundong ito.

“Gagawin nating talaga kung ano ang nakatadhana sa atin.

“Kumbaga, ipinanganak pa lang tayo, meron na talagang naka-destined na pupuntahan ka.

“It’s just a matter kung anong choices ang gagawin mo that will lead you to that destination of yours. 

“Minsan magiging mahirap, minsan magiging madali.

“But at the end of the day, yung pagkatao mo ang magdidikta kung saan ka talaga pupunta.

“Para sa akin, nag-stick lang talaga ko sa aking mga values na pinanindigan mula umpisa.”

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Kanya-kanya rin naman ng values ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ibig sabihin na yung values ko, kapareho ng isa.

“Na kapag hindi nila sinunod, sila ay masamang tao na. Hindi naman ganun yun.

“Maaaring sa akin naman, ang ginagawa ko para sa kanila ay masama.

“So, iba-iba rin. Kanya-kanyang appreciation.  

“At the end of the day, we respect each other.

“Hindi ko rin naman maitatanggi na marami rin taong nakaimpluwensiya sa akin at naka-inspire sa industriyang ito. 

“Kung anuman ‘to is a sum of so many other people’s input, influence, and definitely, ako pa rin ang mag-e-execute.

“Kaya nagpapasalamat ako sa kanilang lahat dahil sa mga naituro nila sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN