Jessa Zaragoza defends daughter Jayda against BaiLona fans

To the rescue si Jessa Zaragoza kanyang anak na si Jayda laban sa bashers na karamihan ay fans nina Bailey May at Ylona Garcia na tinatawag na BaiLona love team. Nag-ugat ito sa Instagram post ni Jayda sa kanyang Instagram na larawan nila ng Pinoy Big Brother 737 heartthrob.

 


Hindi napigilan ni Jessa Zaragoza ang sarili na sagutin ang bashers ng anak na si Jayda Avanzado matapos nitong mag-post ng larawan nila ni Bailey May ng Pinoy Big Brother 737 Teen Edition noong Linggo, January 17.

Bumuhos kasi sa naturang post ni Jayda ang masasakit at masasamang salita mula sa mga sinasabi nilang BaiLona fans nina Bailey at Ylona Garcia, na mula rin sa PBB 737 Teen Edition.

Tanging caption ni Jayda sa kanyang post kasama si Bailey: “#latepost lovely to meet ya @itsmebailey.

#latepost lovely to meet ya @itsmebailey

A photo posted by Jayda Avanzado (@jaydaavanzado) on

ATTENTION-SEEKER? Sa mga unang komento ng followers ng anak nina Jessa at Dingdong Avanzado, may mga nagsabing bagay ang dalawa.

Pero kasunod na kaagad ang mga nagsasabing hindi bagay sina Jayda at Bailey at huwag daw i-push.

Tanong pa ng isang BaiLona fans, bakit ngayon lang nai-post ang larawang iyon gayong matagal na itong nakunan.

May nagsabi ring naghahanap lang ng atensiyon si Jayda kaya niya ipinost ang naturang larawan.

Dahil sa isyu, nag-trending sa Twitter ang hashtag na #BaiLonaLang.

“AKO ANG MAKAKALABAN NIYO.” Dahil sa mga hindi kanais-nais na mga salitang ibinabato sa anak, sinagot ni Jessa ang karamihan sa mga ito.

Pero sinabihan muna niya ang lahat na hindi dapat nagpadalus-dalos ang mga ito sa kanilang komento dahil below the belt na ang mga ito.

Wala rin daw silang balak kunin kanino ang anuman.

Banta pa ng singer-actress, huwag nilang alipustahin ang 12-year-old daughter niya dahil lang sa larawan nito kasama si Bailey dahil, bilang ina, siya ang makakalaban ng mga ito.

 

OTHER BAILONA FANS. Kasunod nito ang pagsagot ni Jessa sa ilan pang BaiLona fans:

Marami pang fans ang nakasagutan ni Jessa.

May mga nakisimpatiya sa kanyang ipinaglalalaban at humingi ng dispensa. Pero merong iba na patuloy pa rin sa pagbabato ng kung anu-anong salita laban kay Jayda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN