Carla Abellana slams Cavite police officials over Tagaytay car crash

Iba-iba ang bersiyon ng lumalabas kaugnay ng ginawang pagresponde ng mga awtoridad sa Cavite sa naaksidenteng kotse sa Tagaytay sangkot ang anim na kabataan. Ayon sa pulisya, maagap ang kanilang pagresponde sa insidente ngunit isang saksi sa pangyayari ang nagpatunay na walang rescuers sa lugar noong nagliliyab na ang kotseng nabangga. Ikinagalit ito ng aktres na si Carla Abellana kaya naman tinawag niyang "liars" ang dalawang pinuno ng Cavite police.


Dahil sa tila hindi magkakatugmang salaysay ng mga awtoridad kaugnay ng fatal car crash sa Tagaytay, kung saan anim na kabataan ang nasawi, nagbigay ng kanyang saloobin ang aktres na si Carla Abellana.

Sa kanyang Instagaram post kahapon, January 19, binatikos ng Because of You star ang dalawang matataas na opisyales ng Cavite police dahil sa diumano’y pagsisinungaling nila.

Saad ni Carla sa caption ng kanyang post: “Nakakahiya kayo, Sr. Supt. Eliseo Cruz and Supt. Ferdinand Quirante. Mga sinungaling.

“You two are a disgrace to this country and to the world. Sana mabasa ng lahat ito para alam nila ang totoo.

“Here's a classic case of how sick this nation's system is. Nakakawalang-gana. #hindiakotakotmagsabingtotoo

Umani ng pagsang-ayon mula sa maraming netizens ang post na ito ni Carla.

FATAL CAR CRASH. Isang fatal car crash ang nangyari noong Linggo ng madaling-araw, January 17, sa Tagaytay City, Cavite, sangkot ang anim na kabataang lalaki at babae.

Patay ang lahat ng sakay ng isang Toyota Vios

Sila ay sina John Russel Garcia (15), John Paul Tena (15), Kirby Bokingo, (16), Jaymee Gubaton (16), Lauren Bren Calabines (16, ang nagmamaneho ng kotse), at Rodalyn Bautista (17).

Ayon sa mga unang report, sinabi ng Cavite police director na si Senior Superintendent Eliseo Cruz na kaagad na nakarating ang mga miyembro ng Silang Police Community Precinct sa pinangyarihan ng aksidente kasama ang mga opisyales ng Barangay San Jose at Tagaytay rescue team.

Pero taliwas ito sa eyewitness account ni Den Castillo, empleyado ng Paco Catholic School, na nagkataong nasa lugar ng aksidente.

Sa ulat na nakasaad sa topgear.com.ph, sinabi ni Castillo na nadatnan nila ang nag-aapoy na kotse na wala man lang umagapay o nagbibigay ng anumang pangunang rescue.

Lahad ni Castillo, “We were in Tagaytay last 17 January 2016. Last stop namin was in Starbucks (Leslie's).

"At around 2:50 AM, when we were heading back to Manila, we passed by Starbucks Highway (yung may matarik na daan).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We noticed a car burning on the side of the road, which happened to crash on a tree. Walang tao sa daan so mapapansin talaga.

“Amusing at first dahil parang sa pelikula, until my friends and siblings (we were six in total) noticed that there was someone inside the car. May tao pa sa loob ng umaapoy na kotse, and she was still trying to move her head out of the window.

"And this scenario got us alarmed because NO ONE WAS IN THE AREA TRYING TO AT LEAST EASE OUT THE FIRE.

“Bumaba kami agad and asked people (2 men) from outside of Discovery Suites for help. Nakatawag na raw ng rescue, and I saw them setting up a hose pero masyadong maikli ang hose at may isang timba lang silang pinupunuan ng tubig. There was another team of witnesses who were there (more on their statements later).

"It was saddening cos kung hindi pa kami bumaba at nag-command sa mga tao, parang walang kikilos. But then I saw a group of men sa may gilid ng Starbucks setting up a hose (this one mahaba na pero maliit, yung pandilig lang ng halaman). I shouted, 'Kuya, double time tayo!'

“So I went down to ask for a fire extinguisher from Starbucks, and they told me, 'UBOS NA PO.' That’s the time naka-set up na yung hose so hinatak na namin pataas and started to ease out the fire. Medyo mahina yung tubig from the hose at may ilan-ilang butas pa.

"I asked for a sandbox/bag, wala raw silang ganun. Pero continuous yung pag-igib ng tubig sa timba at may isang lalaki (from the other team of witnesses) na nakakuha ng fire extinguisher pero hindi na kinaya dahil malaki na at that point yung apoy.

“Since then lang dumami yung taong nasa palagid, and most were like: 'Wala na yan, patay na yan.' And we were: 'NOOOOO!! GUMAGALAW PA. SUMISIGAW PA DAW KANINA. GAWA NG PARAAN.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na kaming ibang nakitang tao sa loob ng kotse kundi yung babaeng sinusubukang ilabas yung ulo sa bintana (katabi sya ng driver).

“Ang tagal ng rescue. Ilang minutes na kaming nag-aapula ng apoy, wala pa rin. Di namin maalis yung babae (although sya rin yung main na binubuhusan ng tubig), but we really wanted to kaso sobrang laki na rin ng apoy at habang tumatagal, kinakain na ng apoy yung buong kotse.

"I got really disappointed by this because in the end, we were as helpless as the people inside.

“And what’s more disappointing are the statements we got from the other team of witnesses (they were 3 in total):

“1. OVERSPEEDING NGA RAW. WALA PANG APOY YUNG KOTSE NOONG BUMANGGA AT MAY PULIS NA PERO NILAYASAN. Why? Because (NADULAS YUNG PULIS NA) PERSONAL PA SILANG NAGREPORT SA MGA KASAMA NILA. (BAKIT KELANGAN PERSONAL? INIWAN NILA YUNG ACCIDENT SCENE, NAKA-MOBILE SILA. WALA MAN LANG RADYO? CELLPHONE?) THEY COULD’VE CALLED FOR MORE PEOPLE/RESOURCES TO HELP MULA NOONG UMAPOY. SANA NAAGAPAN PA.

“2. ONE MEMBER OF THE WITNESSES IS A NURSE. HINDI NILA INALISAN YUNG ACCIDENT SCENE KAYA PAGDATING NAMIN DOON, ANDUN NA SILA. We were told that SHE TRIED TO HELP THE VICTIM (THE GIRL AT LEAST) KASI NARINIG PA NILANG SUMISIGAW AT HUMIHINGI NG TULONG. BUT THE PEOPLE NA NAKIKIUSYOSO AT THAT TIME, MOBBED HER AND SAID 'MAG-ANTAY NG AUTHORITY.' She felt wala siyang laban kaya dinismiss niya yung thought tsaka nahirapan na silang buksan yung pinto, until ayun, simula nang umapoy.

“Sadly, yung mga usyosong yun, umalis rin nung umapoy na yung kotse. Napulsuhan niya (nurse) pa yung driver, wala na raw. We weren’t informed na 6 yung nasa loob; ang alam lang namin 2. Dismayadong-dismayado si Ate Nurse (at kami rin) dahil ang tagal daw talaga ng response team. Dumating sila na “MERON PA (BUHAY AT PAG-ASA),” umuwi kaming lahat na “WALA NA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This was the most disappointing case I have seen so far cos we tried to help (kaming mga passersby pa, wala talagang pulis sa area--dumating man sila, malaki na yung apoy so hindi IMMEDIATE RESPONSE yun tulad ng nasa balita.) And disturbing cos in the end, wala kaming nagawa. Mahirap rin kalaban ang apoy, mahirap kalaban ang oras, mahirap kalaban ang mabagal na rescue.

“May I just say that it is traumatizing to see someone alive—moving (and shouting as we were told)—suddenly taken away by the fire. Kung sa simpleng French fries nga na nahulog sa tray, nakakapanghinayang hindi isalba, ito pa kaya. BUHAY ITO NG TAO. Mabigat...sobrang bigat. Our hearts are still in deep sorrow, and we extend our condolences to the family of the six. And I hope that this truth will reach you.

“We have been reading news articles about the incident, and saw discrepancies from the real story. So ano ang ipinaglalaban ng post na ito? Shout-out sa mga pulis na nagsabing IMMEDIATE RESPONSE. Hiyang-hiya po ako sa pagka-immediate ng pag-iwan niyo sa mga biktima. May mga barangay officials raw na RUMESPONDE. Paki-clarify po ang part na ito dahil wala naman yata kaming nakasamang barangay officials, unless yung Team Hose mula sa gilid ng Starbucks ay sila. Pero I doubt it (I think they were from Discovery Suites).

“Sa mga mob na against kay Ate Nurse, may you sleep well every night. NAKALIGTAS PA SANA KAYO NG BUHAY NG TAO. Di ko masisi yung rescuers COS THEY DID THEIR BEST BUT still, more than 30 minutes na ganun na ang eksena, wala pa ring tulong. Kung malayo ang pinanggalingan, e sana magawaan ng paraan ito sa susunod since mahirap nga talaga magkaron ng aksidente sa highway. Pero madaling-araw yun, wala namang traffic. HINDI SUMABOG YUNG KOTSE, UMAPOY LANG (KUNG SUMABOG YON, DI KO NA NA-POST ITO).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wag tayong magpabango sa media. Walang makakaamoy nyan. Aalingasaw ang katotohanan. AND UNDOUBTEDLY, THE WORST PART WAS THAT THE GIRL WAS ALIVE. PLEASE PRAY FOR THEIR SOULS. GOD BLESS EVERYONE. MAG-INGAT SA DAAN.”

AUTHORITIES DENY SLOW RESPONSE. Kahapon, January 19, pinabulaanan ni Tagaytay City police chief Ferdinand Quirante ang batikos na napakabagal ng kanilang rescue team na dumating sa crash site.

Sa panayam ng GMA News Online, sinabi niyang sampung minuto o bandang 12:45 ng madaling-araw, may barangay tanod na sa area.

Kasunod daw na dumating ang mga pulis sa lugar ng insidente ilang minuto lang din ang nakalipas.

Pahayag ni Quirante, “Pinagtulungan ng pulis at barangay yung apoy. Gumamit sila ng apat na fire extinguishers to take the small fire out."

Sa akusasyon namang umalis kaagad ang isang pulis mula sa crash site, mariin din niya itong pinabulaanan. Umalis daw yung pulis upang sunduin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Aniya, "Mali po yun. Mobile driver lang po ang umalis…

“Nung hindi na-contact [yung BFP], medyo na-delay, pinuntahan.”

Tungkol naman sa buhay pang biktima sa loob ng kotse, sabi ni Quirante, "There was a survivor near the airbag, sa tabi ng driver sa harap. May apoy...

"Police were ready to extricate the victim but it was futile because all the victims were stuck. Halos nakalahati yung sasakyan sa lakas [ng impact],"

Tungkol naman sa bystander na nagsasabing siya ay isang nurse, ang sabi ng police, “Nagpumilit siyang lumapit tapos biglang sumiklab yung sasakyan. The nurse hit the dirt... Bigla siyang nawala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN