RJ Padilla, wife to welcome second baby in March

RJ Padilla on being married to wife Rosalie Bianca Abdelsayed: "Siguro natutunan namin na yung mga hindi na dapat pag-awayan, huwag na. Tapos minsan may mga huwag nang patulan na maliliit. Kasi minsan, yung mga maliliit na bagay, once patulan nung isa, lalong lumalaki. So, naaapektuhan yung relationship niyo."


Excited na ang Kapuso comedian na si RJ Padilla dahil malapit na niyang masilayan ang kanyang ikalawang baby girl.

Sa darating na Marso na raw ang due date ng kanyang misis na si Rosalie Bianca Abdelsayed.

Sabi ni RJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Akala ko nga lalaki na, e, para quota na. Another donya.

"Siguro manganganak si Misis by end of March, mga ganun."

Rylie Aliyah daw ang napiling ipangalan nina RJ at Rosalie sa kanilang pangalawang anak.

Noong August 2013 naman ipinanganak ang first daughter nilang si Raniaah Amira.

Inamin ni RJ na gusto niya talaga ng anak na lalaki na susunod sa kanyang mga yapak.

“Oo naman, siyempre kailangan ko ng junior. Kailangan matuloy ang destiny, sayang kapag maputol agad.”

Paliwanag pa nito, “Hindi naman sa pag-aano, a, pagdating sa mga Padilla, kanya-kanya kami ng market.

“Yung utol ko, si Daniel, gusto mo ng pakilig factor, diyan ka.

"Tito Robin, kung gusto mo ng matinee idol, gusto mo ng matikas.

"Erpats ko [Rommel Padilla], andiyan ang tatay ng bayan.

“RJ Padilla, solid na ano ‘yan, komedyante ‘yan.

"Actually, lahat naman ng Padilla, komedyante.

“Ako lang yung bumali na nagbe-beki ako tapos nagre-Redford White ako.

"Ginagaya ko si Tito Robin, nasa PARD ako.

"So, gusto ko, kung ano yung itinayo kong bandila, ituloy ng anak ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RJ sa launching ng self-titled debut album ng P.A.R.D., ang kinabibilangan niyang grupo kasama ang co-stars niya sa Bubble Gang na sina Boy2 Quizon, Antonio Aquitania, Roadfil Sparks, at Paolo Contis. Ang album ay mula sa PolyEast Records.

RJ AS A DAD. Ibinhagi rin ni RJ na hands-on silang mag-asawa pagdating sa kanilang anak, kaya naman nagdesisyon silang huwag nang kumuha ng tutulong upang mag-alaga sa kanilang anak.

Ayon kay RJ, "Pag hindi ako nagtatrabaho, yaya ako ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang anak ko, wala siyang yaya, e. Gusto naming hands-on kami.

“Ayaw namin na one day magsisisi kami na sana inalagaan na lang namin.

"Kasi mahirap, ako kasi laki ako sa yaya, e.

“So, most of the time, ayan B.I. [bad influence] ako, so ayoko mangyari yun.

"Gusto ko, pag may kailangan yung anak ko, sa akin pupunta.”

Paano nga ba si RJ bilang isang ama?

Sagot nito, “Maharot, makulit. Yung anak ko, kababaing tao, nagiging parang lalaki na, e.

“Ewan ko, parang nasa dugo na rin ng pamilya. Kita mo naman si Tito Robin kina Kylie, kina Queenie.

“Parang ganun na rin ako."

MARRIED LIFE. Kumusta naman ang kanyang buhay-may asawa?

Sabi ni RJ, “Mas ano ako ngayon, masaya!

“Lalo akong na-blessed. Sunud-sunod yung shows.

"Tapos pagdating sa Bubble Gang naman, mas napapansin yung puwede kong iambag.”

Ikinasal si RJ sa longtime non-showbiz girlfriend niyang si Rosalie noong October 18, 2015.

Halos limang taon din naging kasintahan ni RJ si Rosalie bago sila nagpakasal.

Ngunit ibinahagi ni RJ sa PEP na naging girlfriend niya si Rosalie noong 17 years old pa lamang sila.

Sa tagal ng panahon na magkasama sila, marami pa rin daw natututunan si RJ kay Rosalie ngayong mag-asawa na sila. Isa na rito ang pag-iwas sa mga bagay na hindi na dapat pinag-aawayan.

Ani RJ, “Siguro natutunan namin na yung mga hindi na dapat pag-awayan, huwag na.

“Tapos minsan may mga huwag nang patulan na maliliit.

"Kasi minsan, yung mga maliliit na bagay, once patulan nung isa, lalong lumalaki.

“So, naaapektuhan yung relationship niyo.”

Dagdag pa nito, “Tapos mahirap din yung nagtatanim ka ng galit. Dapat kung ano yung problema mo sabihin mo na agad sa kanya.

“Dapat maganda rin yung pagkasabi mo, hindi yung tinatapakan yung pride niya o anoman. Kasi lahat naman tayo ma-pride e. Mahirap tanggalin sa tao ang pride.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, as much as possible, mag-usap kayo ng mabuti.”

At kahit na busy sila sa kani-kanilang trabaho o gawain, nagbibigay pa rin si RJ at ang kanyang misis ng time para sa isa’t isa.

Aniya, “Oo, nagmu-movie date kami. Yung ang pinaka-date naming sa isa’t isa. Kasi pareho kaming mahilig sa movies, e. Tapos minsan na lang kami nakakanood ng sabay.

“Kasi pag tulog yung anak ko tapos manonood kami ng sine, most of the nakakatulog na lang kami sa pagod e.

“Nakakapagod mag-alaga ng bata, promise. So yun na lang yung bonding naming mag-asawa sa labas.”

Sa kasalukuyan, marami ring pinagkakaabalahan sa kanyang career si RJ.

Bukod sa Bubble Gang, kasama rin siya sa Kapuso primetime series na Because of You at sa comedy program na Juan Tamad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN