Meg Imperial shocked by rumor linking her to Ciara Sotto-Jojo Oconer split

Meg Imperial on taking a break from relationships: "Siguro, feeling ko sa mga past relationships ko, hindi pa ganung parang nagwu-work talaga na seryosohan na pangmatagalan for me. Kasi hindi nagkakaintindihan with the schedules, with work. So, pahinga muna."


Ikinagulat ni Meg Imperial ang pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Ciara Sotto at Jojo Oconor.

Maliban kay Valeen Montenegro, natuturo rin si Meg na third party diumano sa pakikipaghiwalay ni Ciara sa kanyang mister.

Nagtatakang sabi ni Meg tungkol sa isyu, “Ako po ba yun? Sino po ba yung guy? Totoo po ba ‘yan?

“That’s the first time I heard that.” 

Diin pa niya, “Wala po akong kinalaman sa hiwalayan.

“I’m not in a relationship right now, neither flirting or dating someone right now.”

Hindi rin daw niya kilala ang asawa ni Ciara at kailanman ay hindi pa niya ito nakakadaupang-palad.

“Hindi po. Baka kamukha ko lang or something. 

“I know Ate Ciara, pero yung husband niya, not familiar.

“Baka sa face lang, hindi ako sure, e… what’s his name again?”

Ni isang project daw ay hindi pa gumagawa si Meg sa APT Entertainment, kung saan may katungkulan si Jojo Oconer, kaya malabong makilala o kilala niya ang asawa ni Ciara.

Pero hindi raw apektado si Meg sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu.

“I know naman what my stand as a person.

“So, hindi ko naman i-involve ang sarili ko to someone na committed na sa iba.

“Nagulat lang ako. Kasi siyempre, to think na I don’t go out. 

“I go out with some friends lang and it’s a group.

“Hindi ko pa nakikita yung guy.”

Itinuturing na lang ni Meg na isang positive opportunity ang mapag-usapan siya.

“Yes, I can turn that into a positive kasi at least, yung mga tao, naiisip ka pa rin nila at nababanggit ka pa rin nila na involved ka into something like that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng upcoming TV5 series na Bakit Manipis Ang Ulap noong Lunes, January 18.

MUTUAL BREAKUP. Sa kabilang banda, inamin ni Meg na nagkaroon siya ng boyfriend, isang non-showbiz guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umabot daw sila ng halos isang taon at latter part ng nakaraang taon nang magdesisyon silang maghiwalay.

Saad niya, “Siguro, feeling ko sa mga past relationships ko, hindi pa ganung parang nagwu-work talaga na seryosohan na pangmatagalan for me.

“Kasi hindi nagkakaintindihan with the schedules, with work. So, pahinga muna.

“It’s a mutual breakup naman. 

“Better this way, kasi I got depressed din naman last year.

“Ayusin ko muna ang sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN