Roderick Paulate, 3 other QC officials dismissed from office for hiring "ghost employees"

QC Councilor Roderick Paulate and three other city officials were dismissed due to hiring "ghost employees" in 2010.


Na-dismiss mula sa kanyang puwesto si Quezon City Councilor Roderick Paulate at tatlo pang opisyales ng nasabing lungsod, sa utos ng Office of the Ombudsman, kaugnay ng kasong pagha-hire umano ng “ghost employees” noong 2010.

Guilty ang hatol kina Roderick, QC councilor Francisco Calalay, at city liaison officers Flordeliza Alvarez at Vicente Bajamunde sa resolusyong pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sa kasong falsification of official documents, serious dishonesty at grave misconduct.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, bukod sa dismissal sa apat na opisyales, pinatawan din sila ng parusang accessory penalties of perpetual disqualification from holding public office, cancellation of eligibility, at forfeiture of retirement benefits.

Kinumpirma na ng Public Information and Media Relations Bureau (PIMRB) ang dismissal order sa apat na pinirmahan ni Morales, pero wala pang inilalabas na press statement ang Office of the Ombudsman hinggil sa resolusyon.

Sa pag-iimbestiga ng Ombudsman, natuklasan nilang may 60 ghost employees na may posisyong field inspectors, district coordinators, at office aides.

Napag-alaman umano ng Ombudsman na hindi tunay na tao ang mga empleyado at ang mga sahod ng mga ghost employees na ito ay napupunta umano kina Roderick at Calalay.

“[The Quezon City Councilors] tend to show that they knowingly or willfully used their positions in placing under the employ of the local government of Quezon City, several ghost employees, and receiving their salaries, wages and other emoluments for their own personal gain,” pahayag ng Ombudsman sa naunang utos na patawan ng preventive suspension sina Roderick noong 2012.

Para naman kina Alvarez at Bajamunde, “as liaison officers, they allowed themselves to be used by the respondent City Councilors when they collected and received the salaries, wages and other emoluments of these contractual ghost employees.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN