Carla Abellana too busy for a Valentine date with Tom Rodriguez?

Carla Abellana glosses over the comment about her getting more work at GMA Network than her rumored boyfriend Tom Rodriquez. She says, "Okay naman, he has time to rest din."


Wala pa raw plano ang rumored couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez para sa darating na Valentine’s Day.
 
“Wala pa naman po,” nakangiting sabi ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa kanilang dalawa ay si Carla ang masasabing mas busy ngayon dahil sa dami ng shows niya sa Kapuso network.

Maliban sa primetime series na Because of You, regular din siyang napapanood sa comedy series na Ismol Family at sa weekly drama anthology na Karelasyon.

Si Tom naman ay katatapos lang ng primetime series na Marimar.
 
Hindi raw alam ni Carla kung ano ang kasunod na proyekto ni Tom. 
 
“Wala pa akong alam na bago niyang gagawin after Marimar, okey naman, he has time to rest din.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa taping ng Because of You sa Oasis, Quezon City, noong January 11.

GOOD CHEMISTRY. Sa kabilang dako, natawa lang ang Kapuso actress nang hingan siya ng reaksiyon sa naging pahayag ng isa sa leading man niya sa Because of You na si Gabby Concepcion.
 
Nagbiro kasi ang aktor na kung nagkataon sigurong wala silang commitment o karelasyon, hindi imposibleng ligawan niya si Carla.

Sigurado raw na magiging maganda ang mga anak nila.
 
Nakangiting sabi ni Carla tungkol dito, “Flattered, siyempre, at least he thinks of it that way.”

Halos iisa naman ang komento tungkol sa tambalan nila ni Gabby sa teleserye.

May chemistry raw silang dalawa sa kabila ng malaking agwat ng edad nila.
 
Sabi naman ni Carla, “Kahit sinong i-partner sa akin, may chemistry.
 
“So, hindi ko alam kung magandang bagay ba yun o hindi, gawain ko ba yun o hindi.

“Hindi ko alam, e, kasi hindi ko naman pinipilit.

“Hindi ko rin naman pinaglalaruan.”

Ayon na rin kay Carla, ang bansag niya na "Boss Yummy" kay Gabby bilang si Jaime sa kanilang teleserye ay wala talaga sa script.
 
“Kay Direk Mark [Reyes] po galing, wala po siya sa script!” natawang sabi niya.
 
JAIME OR OLIVER? Natuwa raw talaga si Carla nang ibigay sa kanya ang Because of You at ang karakter ni Andrea.
 
“E, kasi first ever na hindi po ako nanay; yung iba, naging nanay rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko po na kung gaano siya kasayang panoorin, ganun din siya kasaya na pinapalabas.

“Off-cam, ganun din kami kasaya.”
 
Bukod kay Gabby, leading man din niya rito si Rafael Rosell bilang si Oliver.
 
Kung siya ang papipiliin at hindi base sa script, si Jaime ba o si Oliver ang pipiliin niyang makatuluyan?
 
“Si Oliver!” mabilis niyang sagot.
 
“Kung ako si Carla, si Oliver. Ayoko ng may asawa at mga anak, no way, kumplikado ‘no!”
 
Paano kung talagang mahal niya ang tao?
 
“Hindi rin, kahit mahal mo yung tao,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN