Prince Villanueva eternally grateful to his late mentor, Kuya Germs

Prince Villanueva is still feeling the loss of his Tatay Germs, especially now that he is in the cast of GMA's latest teleserye Wish I May. "Nalulungkot po ako na hindi na niya ako mapapanood sa Wish I May," he says.


Marami raw magandang alaala ang naiwan ng namayapang Master Showman na si German Moreno sa talent nitong si Prince Villanueva.

Pahayag ng Kapuso young actor, “Marami po akong magandang memories kay Tatay.

“Isa po sa pinakamaganda yung tinanggap niya po ako sa Walang Tulugan [With The Master Showman].

“August 1 po yun, kumanta po ako dun. Nag-audition po ako dun, 2014.

“Sunud-sunod po yung dumating na blessings sa akin.

“Hindi po ako nawalan ng shows, ng guestings. Sobrang pasasalamat ko po kay Tatay.

“Kaya napakalaking kakulangan po sa akin si Kuya Germs ngayon.

“Siya po ang nagdala sa akin dito sa GMA, siya po ang nagbigay sa akin nito [showbiz career].”

Co-managed ng Master Showman ang GMA Artist Center sa pagpapatakbo ng showbiz career ni Prince.

Bukod sa Walang Tulugan ay agad naipasok si Prince last year sa InstaDad na pinagbidahan ni Gabby Eigenmann kasama sina Gabbi Garcia, Jazz Ocampo, at Ash Ortega.

At ngayong 2016 ay kasama si Prince sa cast ng pinakabagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Wish I May.

PARTING WORDS. Ano ang pinakamagandang advice o payo ang naibigay kay Prince ni Kuya Germs?

“Marami, marami po siyang ibinigay na advice sa akin.

“Unang-una, maging mabait ka sa mga katrabaho mo.

“Then, iyon nga, sa pag-arte dahil bago pa lang ako, so marami siyang napapansin.

“Last niya ako napanood yung nasa Magpakailanman ako, iyon na po yung last.”

Nagustuhan daw ni Kuya Germs ang acting na ginawa ni Prince sa naturang episode ng Magpakailanman.

“Feeling ko, napasaya ko siya dun, napasaya ko siya dun.”

Isa raw sa ikinalulungkot ni Prince sa pagkawala ng Master Showman ay hindi na siya nito mapapanood sa mga susunod niyang projects sa telebisyon at pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN