Rochelle Pangilinan picks the place but not the date for her wedding to Arthur Solinap

Rochelle Pangilinan wants a cool weather when she weds longtime boyfriend Arthur Solinap. "Pag kinasal naman ako, sa malamig, yung hindi ako pagpapawisan. Kahit saan dun sa Tagaytay," she says.


Kung sakali man ay sa Tagaytay balak magpakasal nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

May rason kung bakit ito ang napili nilang lugar.

Paliwanag ni Rochelle, “Kasi sabi ko sa kanya, pawisin ako, sayaw nang sayaw, active.

“So, gusto ko, pag kinasal naman ako, sa malamig, yung hindi ako pagpapawisan.

“Kahit saan dun sa Tagaytay!"

May paborito raw silang lugar sa Tagaytay.

“Lagi lang kaming nagdi-dinner sa Antonio’s… ang sarap dun tapos ang lamig lang.”

Hindi naman daw nila ililihim sa publiko kung sakaling magpapakasal na sila.

WISH I MAY. Kasama si Rochelle sa cast ng bagong afternoon series ng GMA Network na Wish I May, na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Madalas kaesksena ni Rochelle bilang si Audrey si Camille Prats na bilang si Olivia ay aping-api sa kanya sa serye.

May eksena bang sasampalin niya si Camille?

“Meron, marami. Payag lang siya nang payag, e!” at tumawa si Rochelle.

Kilalang mahusay na aktres and kaeksena niya, malaking challenge ba ito ito para kay Rochelle?

“Ang sarap, ang sarap!" bulalas ng dating miyembro ng SexBomb Girls.

“Ang sarap kasi hindi mo kailangang mag-effort sa sarili mo bago simulan.

“Go with the flow, ang sarap, wala siyang reklamo, e.

“Si Camille, masarap, kasi bigay na bigay, e.

"First time ko siyang makatrabaho. Tapos pareho kaming Gemini kaya Gemini sa Gemini, magaan, di ba?”

May 23 ang birthday ni Rochelle at si Camille naman ay ipinanganak noong June 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN