Claudine Barretto sympathizes with Ciara Sotto

Idinaan ni Claudine Barretto (kaliwa) sa Instagram ang kanyang pakikisimpatiya kay Ciara Sotto (kanan), na kasalukuyang may pinagdadaanan pagkatapos lisanin ang bahay nila ng mister niyang si Jojo Oconer.


Ipinakita ni Claudine Barretto ang kanyang suporta at pakikisimpatiya kay Ciara Sotto, sa pinagdadaanan nito ngayon, sa pamamagitan ng pagre-repost sa Instagram ng larawan ni Ciara at ng anak nitong si Crixus.

Nakipaghiwalay na si Ciara sa asawa nitong si Jojo Oconer at umalis na siya sa kanilang conjugal home.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

Nagkasama sina Claudine at Ciara sa ilang TV shows, tulad ng Buttercup ng ABS-CBN noong 2003.

Mensahe ni Claudine sa kanyang IG post: "I just want to honor this great friend & sister of mine Ciara Sotto.

“I can imagine the amount of pain u have to go through every single day. U r one of the best person I know in this world & it pains me that u have to go through all these.

"Know that I have your back & will hold ur hand & we will get through this together. Gods plan r better than ours he sees & feel ur pain.

“I luv u so much @pinaypole #sistersforlife.

"Claudinians & I are here for you."

Sumagot naman si Ciara sa post na ito ni Claudine.

Sabi ng bunsong anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa: "Waaaaaaaaaaaaah Clau..... Ayoko na umiyak but thank you. Always remember that I love you."

Muli namang nag-reply sa comment ni Ciara si Claudine: "@pinaypole, I couldnt stop crying for u. I'm devastated. I see u this week. Let's do something. I luv u Ciara."

Si Claudine ay ilang taon nang hiwalay sa kanyang asawa na si Raymart Santiago.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN