"I am not pregnant na."
Ito ang malungkot na balita ni Wendy Valdez sa kanyang Instagram followers kagabi, January 20.
Ayon kay Wendy, dalawang araw siyang nakaranas ng spotting noong nakaraang linggo kaya kinailangan niyang magpahinga at uminom ng gamot para sa kanyang dinadala.
Subalit kahapon, sabi ng dating Pinoy Big Brother housemate, "The doctor said that I have a blighted ovum. The egg did not develop to an embryo.
"He said it's only a one time occurrence in a woman and would not happen again."
Patuloy pa niya, "I felt sad... My dreams and visions changed."
Subalit sa halip na lubos na malungkot sa pangyayari, mas madali raw itong natanggap ni Wendy dahil, "I told myself. 'GOD IS IN CONTROL' HE is faithful and His plans are great for me and my family...
"In just a few moments I have accepted it and thought of plans for me and my husband this Valentines season coming along."
Noong nakaraang Pasko ay inanunsiyo ni Wendy ang kanyang pagbubuntis sa magiging unang anak sana nila ng asawa niyang si Norman Garcia.
Ikinasal sina Wendy at Norman noong December 8.
Ito ang ikalawang pagpapakasal ni Wendy matapos ma-annul ang kasal niya sa dating kapwa PBB housemate na si Bruce Quebral.