Manny Pacquiao on retiring from boxing: "I'm sure I will feel sad, but that's life."

Manny Pacquiao on retiring from boxing: "I'm sure I will feel sad, but that's life. I remember when I started boxing. I did it because I wanted to help my family, my mother. I end my boxing career because I want to help my countrymen, my Philippine people."


Kinumpirma ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa isang press conference sa Los Angeles, California, noong January 20, na ang American boxer na si Timothy Bradley ang kanyang makakaharap sa magiging huling laban niya sa April 9, 2016.

Ito ang ikatlong paghaharap nila ni Bradley, na kilala bilang “Perfect Storm” sa boxing ring.

Una silang nagkaharap noong 2012 kunsaan nagkaroon ng split decision.

Ang ikalawang laban ay naganap noong 2014 at nanalo si Pacman via unanimous decision.

Bakit si Bradley ulit ang napili niya para sa kanyang huling laban?

Paliwanag ni Manny, “This is a great privilege to fight Bradley again.

“I choose Bradley because I believe he's a different level from the last time we fought.

“He's changed. He's improved a lot and he proved that against Brandon Rios.

“We can make a lot of action in this fight.

“We believe we will get great action. More than in the last two fights we had.”

April 9 on HBO PPV. #TeamPacquiao

A photo posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

END OF PACMAN’S BOXING CAREER. Ngayong matatapos na ang kanyang boxing career, gusto raw ni Pacman na tutukan ang kanyang political career at sa pagtulong sa marami niyang kababayan.

Tatakbo ang 37-year-old boxer-politician bilang senador ngayong 2016 elections.

Saad niya, “I'm so happy to hang up my gloves after what I've done in my career.

“I'm sure I will feel sad, but that's life.

“I remember when I started boxing. I did it because I wanted to help my family, my mother.

“I end my boxing career because I want to help my countrymen, my Philippine people.

“The greatest achievements in life are not what we do ourselves, but for other people.

“Life is short. It's important we love each other and show unity.

“It's a great opportunity to have this last fight.”

PACQUIAO VS MAYWEATHER. Sa naturang press conference ay hindi pa rin tinantanan si Pacman ng mga tanong tungkol sa naging laban nila ni Floyd Mayweather Jr. noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagwagi si Mayweather sa laban nilang iyon via unanimous decision.

Ayon kay Manny, “No, I never regret that I fought that fight.

“Before the fight, I didn't feel something wrong in my shoulder, but it just happened in the fourth round.

“Before the fourth round, I felt something when I threw a combination when he lay on the ropes.

“I felt something in my hands, where I lost my right hand.”

Isabit man ni Pacman ang kanyang boxing gloves sa huling pagkakataon, hindi malilimutan ng maraming Pinoy at ng maraming boxing fans sa buong mundo ang legacy na maiiwan nito.

Si Manny lang ang nag-iisang eight-weight world champion sa history ng boxing.

Nakapanalo siya ng 57 out of 65 fights at nakalaban niya ang malalaking pangalan sa mundo ng boxing, tulad nina Oscar dela Hoya, Miguel Cotto, Ricky Hatton, Juan Manuel Marquez, Erik Morales, at Floyd Mayweather Jr.

Pero ang longtime promoter ni Pacman na si Bob Arum ay hindi kumbinsidong ito na ang huling laban ni Manny.

Sabi ni Arum, “I will not promote it as Manny's last fight, because when it comes to boxers and retirement, you never know.”

Maging ang kanyang matagal nang trainer at kaibigan na si Freddie Roach ay naniniwalang hindi pa ito ang huling laban ni Pacman.

Sabi ni Roach, “I could see Senator Manny Pacquiao defending his world title.

“I don’t think this will be his last fight.

“I think he will fight in the future because I just don’t feel he’s all done.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN