Glaiza de Castro wishes to be a sang'gre in new Encantadia

Glaiza de Castro on auditioning for Encantadia: "Pangarap ko po talagang mapasama at saka talagang pinaghahandaan ko."


Inamin ni Glaiza de Castro na sinubukan niyang mag-audition para sa bagong version ng fantaserye na Encantadia.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday charity niya kahapon, January 20, sinabi ng Kapuso actress na gusto niyang maranasang gampanan kahit sandali ang paborito niyang karakter sa dating hit telefantasya ng GMA Network—si Sang'gre Pirena.

Si Sunshine Dizon ang gumanap na Pirena sa original series na ipinalabas noong 2005.

Pahayag ni Glaiza, "Nag-try akong mag-audition.

"Sabi ko nga, kung mayroon opportunity, bakit hindi natin i-grab.

"Minsan napapaisip ako na, 'Bakit kailangan ko pang mag-audition?'

"Kasi nauunahan tayo ng fear na baka ma-reject tayo or hindi tayo matanggap o hindi talaga para sa atin yun.

"Pero ano, e, gusto ko lang siyang madaanan.

"Gusto kong ma-experience yung pine-play mo yung character na yun kahit na panandalian lang."

Ito rin daw ang isa sa mga dahilan kung bakit puspusan ang kanyang pagwu-workout, na makikita sa ilang Instagram videos niya.

Sabi ni Glaiza, "Pangarap ko po talagang mapasama at saka talagang pinaghahandaan ko.

"Kung may opportunity, kung anuman po ang dumating.

"Regardless, kung may dumating o wala, isa sa mga New Year's resolution ko yung ipagpatuloy ang training at alagaan ang health ko."

Hi. I miss you po. Ready na ako sa festivity �#letskicksome

A video posted by � GDC � (@glaizaredux) on

PIRENA FANART. Nang lumabas ang balitang magkakaroon ng bagong bersiyon ang Encantadia, ilang fans ni Glaiza ang gumawa ng fanart, kung saan makikita ang aktres bilang Pirena.

"Oo nga, nape-pressure ako," reaksiyon ni Glaiza nang banggitin namin ang Encantadia fanart.

Patuloy niya, "Nakakatuwa, at the same time, nakaka-amaze yung talents ng mga gumagawa nun. Kasi sobrang seamless ng paggawa nila, e.

"Iisipin mo talaga, 'Sinuot ba niya 'yan? Sinuot na ba niya 'yan sa isang photoshoot?' Kasi, sobrang galing.

"At the same time, nai-inspire ka rin. Nandun din siyempre yung expectations na, anything can happen."

Nabanggit din ni Glaiza kung gaano niya kagustong gawin ang karakter ni Pirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa yun sa mga pangarap ko, maging warrior princess.

"Gusto ko yung character niya kasi... well, lahat tayo may ganun.

"Dumarating tayo sa phase na parang confused tayo, blind tayo sa love na mayroon tayo. Ganun si Pirena kasi."

Kung sakali, wala raw problema kahit maging kontrabida siya.

"Lahat naman ng mga kontrabida, lalo na sa TV, may redemption.

"As long as may redemption ang character ni Pirena at pagmumulan siya ng aral, maganda siyang gawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN