Annabelle Rama prays for Ruffa Gutierrez to break up with her boyfriend

Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez maintained that they are getting along well, as long as Ruffa's Israeli boyfriend is not around. Seen in the photo above are Annabelle, Kris, Ruffa, and Gelli de Belen during the taping of Kris TV's January 21 episode. 


Diretsahang sinabi ni Annabelle Rama na panay ang dasal niyang hiwalayan na ng anak niyang si Ruffa Gutierrez ang Israeli boyfriend nito.

Ito ay pagkatapos ihayag ni Ruffa na hindi siya nagsasawang ipagdasal na matanggap ng kanyang ina ang nobyong si Jordan Mouyal.

Sabi ni Annabelle, "I’ve been praying every day na matauhan siya, iwanan niya yung lalaki.

"Yun naman ang prayer ko every day.”

Natatawang sagot naman ni Ruffa, “Let’s just see kung sinong prayer ang powerful!”

Base ito sa panayam kina Ruffa at Annabelle sa Kris TV episode ngayong araw, January 21.

ALL ABOUT JORDAN. Ayon sa host ng show na si Kris Aquino, bago sumalang ang mag-ina ay may instruction sa kanyang huwag buksan ang paksa tungkol kay Jordan.

Ngunit sa huli ay napag-usapan din ang love life ni Ruffa nang usisain ni Kris kung ano ang religion ni Jordan.

Hirit ni Annabelle, “Ano ba ‘yan, Ruffa? I don’t even know him! Kung Christian ba, Muslim ba.”

Patutsada pa ulit ni Annabelle nang tanungin kung hindi ba niya kinikilala ang boyfriend ng anak, “Ewan ko sa kanya. Hindi niya sinasabi sa akin saan nanggaling ‘yan.

“Sabi niya sa Paris daw nanggaling.”

Sa kabila ng disgusto ni Annabelle kay Jordan, idinaan na lang ito ni Ruffa sa tawa at sinabing hindi interesado ang ina na mas kilalanin ang nobyo niya.

Generally speaking, nagkomento si Kris na dapat paniwalaan umano ng mga anak ang opinyon ng kanilang ina pagdating sa usaping pag-ibig, dahil kadalasan ay tama ito.

Bagay na kinontra ni Ruffa, “But mom has never liked anyone. How’s that?”

Hirit ulit ni Annabelle, “Wala naman kasing tama sa lahat, Ruffa.”

Patuloy pa rin ang patutsada ni Annabelle kay Jordan matapos banggitin ni Ruffa na katatapos lang niyang bayaran ang tuition fee ng mga anak na sina Lorin at Venice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Annabelle, “Ayaw pa niya maghanap ng boyfriend na mayaman. Gusto pa niya siya magpakain sa boyfriend niya.”

Ganting sagot ni Ruffa, “No, Ma, no! He's working! He’s an IT engineer.”

WHY ANNABELLE DOESN’T LIKE RUFFA’S BF. Aminado si Annabelle na walang ginawang masama sa kanya ang boyfriend ni Ruffa para hindi magustuhan ang binata.

Paliwanag ni Annabelle kung bakit ayaw niya kay Jordan: “Kasi bata masyado, e. Wala magagawa bata diyan. Twenty-eight years old.”

Si Ruffa ay 41 taong gulang sa kasalukuyan.

Gayunman, masayang ibinahagi ni Ruffa na tanggap ng kanyang dalawang anak si Jordan.

Ani Ruffa, “I think they’ve learned to like him a lot. They treat him as a good friend.

“He helps Venice with her Math assignment. He's very good with numbers.

“Tsaka, Ma, may pinag-aralan [si Jordan]. Double masters degree!”

Hirit ni Annabelle, “Ikaw lang may sabi niyan, Ruffa!

“Lahat tayo, lahat ng mga babae naman talaga pinupuri mo boyfriend mo.

“Siyempre mahal na mahal mo, siyempre i-upgrade mo siya.”

Diin pa ni Annabelle patungkol sa pagtutol niya sa relasyon nina Ruffa at Jordan, “Ayoko talaga siya makita right now.

“Ayoko mag-away kami talaga. So, iwas-iwas na lang.”

Sabi naman ni Ruffa, tanggap na niyang sadyang tututulan ng ina ang sinumang lalaking mapupusuan niya.

“Wala, e. I can deal with it na for the rest of my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN