PEP EXCLUSIVE. Joyce Bernal clarifies Vilma Santos walkout on Everything About Her shooting

Direk Joyce Bernal told PEP that she understands why Star For All Seasons Vilma Santos walked out on the set of their film Everything About Her. She says, "Nauunawaan ko si Ate Vi, nauunawaan ko what happened."


Nagsalita ang direktor na si Joyce Bernal hinggil sa napabalitang pagwu-walk out ni Batangas Governor Vilma Santos sa set ng pelikulang Everything About Her ng Star Cinema.

Ang nasabing pelikula na idinirek ni Joyce ay pinagbibidahan nina Vilma, Angel Locsin, at Xian Lim.

Sa PEP Alerts section ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules, January 20, naiulat ang diumano’y pagwu-walk out ng Star For All Seasons sa set ng pelikula noong Martes, January 19.

Kaugnay nito, napasugod umano si Star Cinema managing director Malou Santos sa set at nagalit umano dahil walang nadatnang artista.

Paliwanag ni Direk Joyce sa PEP nang tanungin tungkol dito, “It’s between Ate Vi and Star Cinema.

“Actually, sa akin, sabi niya [Ate Vi], ‘Hindi ka kasama dun, Direk.'

“Pero nag-sorry siya sa akin. ‘Hindi ka kasama dun, Direk.’

“Hindi ko na siya inalam, yung detail.

"Kasi sabi ko, 'Ate Vi, what we’re going to do right now is a happy scene.'

"So, pumunta na ako dun [sa pagsu-shoot].

“Siguro after nun, dun ko na lang nalaman kung ano talaga ang nangyari.”

Eksklusibong nakausap ng PEP si Direk Joyce sa press conference ng That’s My Amboy, ang idinidirek niyang GMA-7 primetime teleserye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras.

SHE UNDERSTANDS. Tanong ng PEP: Ano ang dahilan ng pagwu-walk out ni Ate Vi?

“Scheduling,” sagot ni Direk Joyce.

Nagpaliwanag naman daw sa kanya si Ate Vi kung bakit nag-walk out ito.

“Oo. Sila yung nag-usap, e. Never akong kasama sa usapan. Never akong involved dun sa nangyari.

“Si Ate Vi, nag-sorry naman sa akin kahit hindi ako masyadong involved sa nangyari."

Naiintindihan daw niya ang pinanggagalingan ng Star For All Seasons.

“Nauunawaan ko si Ate Vi, nauunawaan ko what happened.

“Ako naman, iba naman din bilang director. It’s for the movie, yun yung ano ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nagambala o nasira [ang trabaho], dun ako i-involved masyado.

“Pero hindi naman, e, so walang nangyaring ganun.”

Natuloy rin naman daw ang nasabing naantalang shooting sa parehong araw.

“Yes po, nag-resume naman agad, kasi parang hindi naman hinayaan lumaki masyado.”

Ngunit itinanggi naman ni Direk Joyce na napasugod sa set si Malou Santos at nakitang walang artista.

“Hindi naman susugod yun para mag-check ng artista, Tita Malou yun, e.

“Hindi, e. Parang pagtingin niya walang artista? Hindi umabot dun.”

BACK TO HER FIRST LOVE. Samantala, masaya si Direk Joyce sa pagbabalik niya sa pagdidirek ng romantic-comedy.

Pahayag niya, “Dito ako nakilala, sa mga ganitong klaseng tema, ganito klaseng genre.

“Actually, inisip ko ‘yan, e. Sabi ko, 'Kaya ko pa ba?'

"Kasi ang bata na nila Barbie, dahil matanda na ako, 'Kaya ko pa ba?'

“Tapos nung nakita ko yung pilot, na-interest ako."

Bago ang That’s My Amboy, ang My Faithful Husband ang pinakahuling idinirek na teleserye ni Direk Joyce.

Dahil sa mga sunud-sunod na magagandang proyekto ni Direk Joyce, nakakaramdam pa ba siya ng pressure?

Tugon niya, “Siguro napi-pressure din ako, pero parati kong iniisip kasi, ‘Ano bang ibibigay ko? May gagawin pa ba akong bago?’ May ganun.

“Kasi, even itong story nito, hindi na bago sa akin. May mga nagawa na akong ganyan; yaya sa sikat, maangas na amo, ganun.

“So, dun ko lang binabase.

"Pero yung pressure, siguro pag ganitong presscon lang o pag premiere night.

“Pero after that, wala na. Okay na. Bigay na.

"Wala na akong magagawa. Out of my hands.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN