Solenn Heussaff on working with ex-BF Derek Ramsay: "Kinakabahan ako nang konti."

Solenn Heussaff admits Derek Ramsay was her first love, but their relationship was never meant to last. She says, "Masyado pa talaga akong  bata, then long distance, and away-away."


Siyam na taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sina Solenn Heussaff at Derek Ramsay bilang magkasintahan.

Apat na taon ding tumakbo ang relasyon ng dalawa, pero dahil daw sa immaturity ay napunta ito sa wala.

Pagkalipas ng ilang taon ay nagkatagpo muli ang kanilang landas at nagkatrabaho pa sa pamamagitan ng pelikulang Love Is Blind.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn pagkatapos ng presscon proper ng kanilang pelikula noong January 20, inalam namin kung ano ang kanyang inasahan nang muli silang magtagpo ni Derek.

Sagot niya, "Wala naman akong ini-expect kasi we have spoken naman before that.

"Actually, we have spoken on the phone before that, after nine years.

“Pero first time talaga na we would be standing in front each other, kinakabahan ako nang konti.

"Hindi ko alam kung magiging weird ba o shy.

“Pero yung sa first time, parang okey lang na hindi mo alam kung paano siya ia-approach.

"Lahat, parang wala lang nangyari."

Patuloy ni Solenn, "Sa nine years, nagkita na kami like four times na, like sa shoot o sa studio shoot.

“Kinakausap ko siya, like yung may problem siya dati.

"Yun, konti-konti lang, pero we really never...

“Hindi kami nagkape-kape para magkuwentuhan, wala, hindi."

FIRST LOVE. Sa hiwalay na panayam kay Derek, nabanggit nitong si Solenn ang itinuturing niyang kanyang greatest love.

Ano ang reaksiyon dito ni Solenn?

"Well, siyempre naman, it's touching.

"I also had few relationships, pero si Derek talaga ang pinaka-memorable.

"Kasi nga naman, he was my first love.

"He's special to me and will have a special love for me.

"I will always be there for him kung kailangan niya ako."

Ano ang nangyari at nagkahiwalay sila?

Sabi ni Solenn, "You can't say naman na, 'What went wrong?' and 'Why we didn't fix it.'

"Masyado pa talaga akong bata, then long distance, and away-away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's normal sa isang relationship especially kung long distance."

SHOCKING, BUT NOT TRUE. Nagulat naman si Solenn nang banggitin sa kanya na isa raw sa dahilan ng breakup nila ay may kinalaman sa pera.

Reaksiyon ng 30-year-old model-actress, "Ha? Ako? I've never been like that.

"I mean, I come from a decent family, I've been brought up well.

"I don't care about money.

"I was studying in Paris, and Derek was working here, so wala kaming puwedeng gawin."

Itinanggi rin niyang nag-live in silang dalawa,.

“No, hindi, seventeen lang ako nun.

"Nag-sleep over, ganun, pero hindi kami nag-live in.

"May dalawa lang akong serious relationship, yung siya at yung sa ngayon."

Ang tinutukoy ni Solenn ay ang Argentinian boyfriend niyang si Nico Bolzico.

Noong wala pang kasama sa buhay si Solenn at si Derek naman ay single, hindi ba nila naisip na dugtungan ang kanilang nakaraan?

Nakangiting sabi ni Solenn, "No, kasi things happen for a reason.

"What happened was meant to be.

"For me, just go with the flow, and just remain to be happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN