Vice Ganda says he will always have time for his BF despite busy schedule

Vice Ganda has two movies in the offing and three hosting jobs at ABS-CBN to add to the success of his latest Metro Manila Film Festival entry, Beauty and the Bestie. Through it all, she remains prudent about the use of his earnings, "Iniipon." 


Magiging tatlo na ang regular shows ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Bukod sa daily noontime show na It's Showtime at sa weekly talk show niyang Gandang Gabi Vice, isa si Vice sa bagong hurado sa bagong season ng talent show na Pilipinas Got Talent.

Makakasama niya bagong judges sina Robin Padilla at Angel Locsin, habang na-retain naman ang TV executive na si Freddie M. Garcia.

Ang tanong: May time pa ba si Vice sa kanyang sarili ngayong tatlo ang shows niya ngayon sa ABS-CBN?

Sagot ng Kapamilya star, “Lately, wala masyado, pero okey lang, it’s a good problem.”

Buti't hindi nagrereklamo ang kanyang boyfriend dahil sa kawalan niya ng oras for him?

Paglilinaw ni Vice, “Meron naman, kanina nag-swimming kami.

“Hindi naman kasi kinakailangang magsama lagi.

“May kanya-kanya rin naman kaming pinagkakaabalahan.

“Enjoy ako sa trabaho ko, enjoy din siya sa ginagawa niya.”

URONG SULONG. Ano naman ang ginagawa niya sa laksa-laksang talent fee na nakukuha niya sa kanyang projects?

“Iniipon,” matipid niyang sagot.

Napatayuan na ba niya ng bahay ang nabili niyang lupa na may 1,000 square meters ang sukat?

“Nagdadalawang-isip ako, e,” sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Pinahinto namin yun ano dahil parang gusto kong ibenta.

“Tapos ngayon, gusto ko na namang ituloy, naguguluhan ako.”
    
Nabili na ba ni Vice yung inuupahan niyang bahay sa isang posh subdivision sa Pasig City?

“Nandoon pa rin ako. Ang usapan namin doon, tapusin ko yung lease saka nila ibebenta sa
akin.”
 
Interesado pa rin siyang bilhin ang bahay?
  
“Oo, parang namahay na ako,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN