Miss Colombia Ariadna Gutierrez says she cannot handle the bashing anymore

Miss Colombia Ariadna Gutierrez hopes that once she and Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach meet, the bashings and cyberbullying will finally stop.


Nagsalita si Miss Colombia Ariadna Gutierrez tungkol kay Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach, ang hidwaan ng beauty enthusiasts mula sa Colombia at Pilipinas, at kung naka-move on na siya mula sa pagkakamaling nangyari sa Miss Universe pageant noong December 20, 2015.

Inilahad ito ni Ariadna sa panayam sa kanya ni Steve Harvey sa show nito noong January 19.

Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang kontrobersiyal na pagkakamali ni Steve bilang host ng Miss Universe 2015 pageant.

Inanunsiyo kasi ni Steve na si Miss Colombia ang Miss Universe, subalit pagkatapos ng ilang minuto ay binawi niya ito at sinabing 1st runner-up lamang ang Latina beauty at ang tunay na Miss Universe ay si Pia ng Pilipinas.

Makalipas ang isang buwan mula nang mangyari ang kontrobersiyal na insidente, tinanong ni Steve si Ariadna kung bakit hindi pa sila nagkikita ni Pia.

Sagot niya, “Because she’s now Miss Universe, she has her own schedules.

“I haven’t been able to see her because she’s in New York.

"I have been in Miami with my family, like resting and enjoying my nephews, my mom, my dad.

“She’s like doing the Miss Universe job. We haven’t had the time to see each other.”

Pero binanggit ni Miss Colombia na may posibilidad na magkita sila ni Pia.

“I think we will meet soon, like really, really soon.

"And hopefully everyone is going to be done will all the fighting, and the insults in social media and bullying, and all those things that…

"Oh, my God, I can’t handle it anymore.”

STOP THE BASHING. Patuloy pa rin kasi ang pag-aaway ng fans ni Pia at ng fans ni Miss Colombia sa social media kahit isang buwan na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente.

Saad ni Ariadna, “I understand the Philippines because, you know, Pia is the Miss Universe; Pia is the winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s unfair when you see someone who is like feeling sad and being through a difficult moment and making fun of that.

“I think Colombians need to stop bashing Pia, and the Philippines needs to stop bashing me and bashing you [Steve] and everyone.”

Sabi pa niya tungkol kay Pia, “Look at her, she’s beautiful with the crown. She’s Miss Universe.

Kinumpirma rin ni Ariadna na nakipag-ugnayan sa kanya ang Miss Universe Organization.

“I think that they’re doing great with the new Miss Universe.

"They called me so I think we’re gonna do something in the future… maybe.

“And I have only good things to say about them.

“I only want to be grateful with them because I spent the best three weeks of my life in Las Vegas, thanks to them.”

WORST AND BEST NIGHT OF HER LIFE. Paglalarawan pa ni Miss Colombia sa nangyaring kontrobersiya, “It was the worst night of my life.

"At the same, it was the best time of my life. It was a dream come true.”

Dahil kasi sa isyu, naging laman ng mga balita si Miss Colombia at nagkaroon din ng mga oportunidad gaya ng endorsements.

Kinunan din ng opinyon si Miss Colombia tungkol sa kontrobersiya ng pagsunog ng isang kababayan niya sa effigy nina Pia at Steve.

Dagdag pa rito na maraming Colombians ang masama ang loob sa nangyaring pagkakamali ni Steve.

Pahayag ni Ariadna, “I don’t feel proud about that because Colombians are not like that.

“But we have to understand that people got angry because they felt like they got robbed [of] the crown."

Inasahan umano kasi ng Colombians na magkaroon ng back-to-back win ang kanilang bansa, na noong una ay inakala nilang nangyari, subalit hindi pala dahil sa pagkakamali ni Steve.

Ang Miss Universe 2014 ay ang kababayan ni Ariadna na si Paulina Vega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ariadna, ”People felt bad and the Latin community they felt like humiliated and it was so harsh to watch the show.

“I have to apologize because we’re not like that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN