Kiko Estrada denies viral nude photo: "Ang layo! Hindi ako 'yan!"

Kiko Estrada on his alleged nude photo and sex video "I don't need to do that and that's not me. That's not my personality. I'm more laid back and I'm private. "If they want to say it's me, then I don't mind. Bahala sila."


Itinanggi ni Kiko Estrada na siya ang nasa larawang kumakalat ngayon sa social media kung saan hubo’t hubad ang lalaking nakaupo sa toilet bowl.

“Hindi nga? Hindi ko alam yun!” natatawang reaksiyon ni Kiko nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Dagdag niya, “Kasi wala na akong Twitter, wala akong Facebook, so nagulat ako.”

Iginiit ng 20-year-old Kapuso actor na wala siyang ginawang sex video at hindi rin daw siya nagpapakuha ng litrato na nakahubo’t hubad.

Biro pa niya, “Siguro kailangan kong gumawa ngayon kasi para ma-prove ko na hindi ako yun!”

One hundred percent sure daw na wala siyang malaswang litrato o video.

“Opo, one hundred percent sure po. Hindi ako gumawa ng video kasi delikado po yung video, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bagong GMA primetime series na That’s My Amboy, nitong Huwebes ng gabi, January 21.

NOT ME. Nang ipinakita kay Kiko ang mismong larawan ng lalaking sinasabing siya ay itinanggi muli niya ito.

“Ang layo!” bulalas niya. “Hindi ako ‘yan.

“Natawa ako dun sa nakita ko. Hindi ako ‘yan.

“Hindi po ako ‘yan.”

Biro niya ulit, “Gagawa na po ako ngayon para ma-prove ko na hindi ako ‘yan.

“Ipapakita ko talaga... joke lang po!

“Pero pag may ginawa po ako, may kasamang babae yun, sigurado po ako!” tumatawa pa ring sabi ni Kiko.

May mensahe ba siya sa mga nagkakalat na siya ang nasa litrato?

Ayon kay Kiko, “Well, ang galing nila, ang galing!

“Actually, I don’t have any message. Any publicity is good publicity, I guess.

“Pero actually, nagulat ako na may sex video daw.”

So, wala siyang itinatagong video?

“What is there to hide?” sagot ng binata.

NOT AFRAID. Hindi raw natatakot si Kiko na baka may sex video siyang lumabas dahil wala naman daw talaga siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang opinyon niya sa mga artistang gumagawa ng ganoon?

Tugon niya, “Well, they do what they have to do... they do what they have to do.

“I don’t need to do that and that’s not me.

“That’s not my personality. I’m more laid back and I’m private.

“If they want to say it’s me, then I don’t mind. Bahala sila.”

Ano naman ang mensahe niya sa lalaking nasa litrato na kamukha niya?

“He’s handsome!” tawa niya. “Well, I mean, to look like me, I guess…”

Alam na ba ng pamilya niya, ng ama niyang si Gary Estrada ang tungkol sa isyu?

Sabi ni Kiko, “Yeah, they laughed about… we laughed about it.

“I think my dad said and then… he didn’t bother to say it, parang balita lang sa kanya.

“So, I laughed and he laughed.”

So, alam niyang may isyung ganito tungkol sa kanya, pero ngayon lang niya nakita yung actual photo?

“Yeah, I never bothered to look. I was not nervous about it coz I know it’s not me,” pagtatapos ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN