Zanjoe Marudo believes in second chances

In his 10 years in showbiz, Zanjoe Marudo has grown into a serious actor. But his natural bent for light comedy waylays him from dramatic acting. In his new teleserye, he welcomes the change, "After ilang years... makita nila ulit ako na gumagawa ng serious na character."


Naniniwala raw si Zanjoe Marudo sa second chances kaya tinanong ito kung may posibilidad ba na magkabalikan sila ni Bea Alonzo.

Hindi naman malinaw sa naging sagot niya kung may plano siyang suyuing muli ang dating girlfriend.

Sabi lang niya, “Naniniwala ako sa second chance, third chance, fourth chance.

Lahat naman ng tao, kailangan ng chance, 'di ba?

"Kailangan ng pangalawa o kahit ilan pang pagkakataon."

Nakapanayam Si Zanjoe sa 9501 Restaurant sa presscon para sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Tubig at Langis na magsisimula nang mapanood simula sa Lunes, February 1.


REAL LOVER. Sa serye, bida ang role ni Zanjoe bilang si Natoy, ang lalaking pag-aagawan ng mga karakter nina Cristine Reyes at Isabelle Daza.

Natawa naman ang Kapamilya actor sa salitang "mangingibig."

So ano ang pagkakapareho ng karakter niya sa kung sino si Zanjoe kapag umiiibig?

"Kapag nagmahal si Natoy, parang si Zanjoe rin.

“Talagang yun lang," saad niya.

Ano ang yun lang?

"Kapag sinabi niyang mahal niya, gagawin niya ang lahat para sa mahal niya.

"And yun lang lang talaga, dun lang siya, hindi siya matutukso o mai-in love sa ibang tao,” sagot niya.

Dahil love story ang tema ng serye, siya ba yung tipo ng aktor na humuhugot sa personal na karanasan para makatotohanan niyang magampanan ang kanyang role?

"Kung tinatanong mo kung yung experience ko sa buhay ay ginagamit ko rito?

“Kung ako ba yung tipo ng artista na nagwu-work yung ganung klaseng atake?

“Kung ano po ang character ko, kung ano po yung nasa istorya, kung sino si Natoy, mas dun po ako nakakaramdam.

"Mas nararamdaman ko po kapag dun ko hinugot kesa sa totoong buhay."


SERIOUS CHARACTER. Sa loob ng sampung taon sa industriya, nakita ng publiko ang pagganap ni Zanjoe sa iba't ibang characters, mapa-comedy man o sa mga seryosong proyekto.

Pero gaano nga ba kaespesyal sa kanya ang seryeng ito kunsaan mapapanood siyang muli sa isang seryosong drama.

"Unang-una, nagpapasalamat ako kay Direk Ruel [Bayani] na in-offer sa akin ang Tubig at Langis.

"For the longest time ang ginagawa ko, puro naman light, comedy.

“Siyempre ito, family drama ito, pero may love story siya, may romance.

"Nakakatuwa na na-offer-an ako ng ganitong klaseng project, ang tagal ko nang hindi nakakagawa ng love story.

“So 'eto, heavy drama, gusto ko namang mapanood ng lahat ng tao."

Dugtong pa niya, "After ilang years, almost ten years ko sa showbiz, makita nila ulit ako na gumagawa ng serious na character."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN