Kiray Celis gets first real kiss from guess who?

Being kissed by Derek Ramsay in their movie together is quite an experience for Kiray Celis, "Inisip ko na lang talaga na parang ganito pala makipag-kissing scene. Ano po, first kiss ko po talaga yung gumagalaw-galaw."


Trailer pa lang, nakakatawa na ang opening salvo ng Love is Blind, ang pelikula ng Regal Films na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, Kean Cipriano, at Kiray Celis.
 
Mas lalong katatawanan ang nangyari sa presscon ng pelikula kagabi, January 20, sa Valencia Events Place.

Nabanggit kasi ni Kiray na meron silang “kissing scenes” ni Derek.

Kaya inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging karanasan niya sa kamay ng hunk aktor.
 
“Ano po kasi, ang first kissing scene ko po sa buong buhay ko, sa MMK [Maalaala Mo Kaya].

“Kami ni Arjo [Atayde], hindi gumagalaw, as in naka-ganun lang po [inakto ang paghalik].

“Kaya sabi ko, ‘A, okey ‘to.’
 
“Noong na-try ko si Kuya [Derek], ano po pala, gumagalaw ang mouth niya.

“Akala ko po, smack lang, Dyusko!

“Kinakain niya po ang labi ko,” lahad ni Kiray.
 
At saka nito natatawang sinabi kay Derek na, “Uy, ‘wag kang mahiya, ginagawa mo yun!”

Tawanan talaga ang entertainment press, maging ang cast ng movie at director na si John Paul Lacsamana sa mga rebelasyon o hirit ni Kiray.
 
Tinanong tuloy si Kiray kung pakiramdam niya ba, nag-take advantage sa kanya si Derek?
 
“Inisip ko na lang talaga na parang ganito pala makipag-kissing scene.

“Pero noong kami naman ni Kuya Kean [Cipriano], hindi naman siya gumaganun.
 
“Kaya kita niyo, kapag tinanong niyo si Kuya Derek, ‘Kumusta ang kissing scene niyo ni Kiray?’

“Malambot ang labi niya, so alam niyo na, connected ang kuwento namin.
 
“Hindi ako naggagawa ng kuwento.”
 
Dugtong pa ni Kiray, “Kasi nga, hinahatak niya po ang labi ko.
 
“Ganun siya.”
 

FIRST KISS. First real kissing scene nga ang nangyari sa kanila ni Derek, pero hindi naman ito siguro ang first-ever real kiss ni Kiray?
 
“Ano po, first kiss ko po talaga yung gumagalaw-galaw.

“Akala ko po talaga kapag smack, didikit lang. 

“Dyusko, may paghahatak pala ng labi! 

“‘Tapos, sabi niya sa akin, tuod daw ako.
 
“Sabi ko, ‘Alangan namang kainin ko rin yung labi mo!’”
 
Patuloy pa ring kuwento ni Kiray, ang akala raw talaga niya sa smack, dampi lang talaga ang mga labi at hindi gumagalaw.
 
Aniya, “Dati kasi, nakakarinig ako sa ibang artista, sabi ng director, magki-kiss, mag-smack.

“’Tapos yung ibang lalaki, ang gagawin nila, gagalaw.

“Sabi ko, bastos, kasi sinabi smack lang, e.
 
“Noong na-try ko kay Derek, sabi ko, ‘A siguro ganun talaga. 

“Ewan ko, siguro sobrang sanay lang talaga si Kuya sa mga ganung eksena.”
 

SMACK OR WHAT? Paliwanag naman ni Derek, ganun daw talaga ang smack, gumagalaw.

Natatawang sabi naman ni Kiray kay Derek, “Grabe ka, alam mo, iba ka. Nakakahiya ‘to.”
 
Sabi pa rin ni Kiray, “Hindi talaga 'ko gumagalaw kasi yun ang alam kong smack.

“Kapag torrid, gumagalaw. 

“Hindi naman ako na-inform na ang smack pala e palitan ng labi, kainan, ganern!
 
“Hindi naman ako na-inform na gutom ka pala,” natawang kuwento nito.
 
Ayaw ba ni Kiray na ganun ang nangyari?
 
“Akala ko nga, nakainom na siya ng wine. 

“Pero yung pangalawa namin, ganun pa rin siya.

“Kaya baka ganun talaga.”
 
 
KEAN OR DEREK. Sa huli, tinanong tuloy si Kiray kung sa dalawang leading men niya sa Love is Blind na sina Derek at Kean, sino ang mas ma-appeal sa kanya o mas masarap humalik.
 
Bato naman niya, “Grabe, sige, tatanungin ko kayo, ano po ba ang talagang klase ng smack?

“Gumagalaw po ba o hindi?
 
“Hindi gumalagaw, si Kean ang magaling.

“Pero kung gumagalaw, si Kuya ang magaling. Magkaiba kasi sila, promise.”
 
Biniro tuloy si Kiray ng ilang press na naroon na kung higit pa sa kiss ang mangyayari, sino ba kina Kean at Derek ang tipo niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahihiya at biro ring sagot ni Kiray, hindi naman daw siya na-inform na may magtatanong ng gano'n.
 
At saka nito isinunod na, “O sige, dahil kasal na si Kuya Kean, kay Kuya Derek na lang ako.
 
“At least, okey na yung reason ko na yun.”
 
Dugtong din niya, “Wala po akong tipong lalaki. 

“Wala po akong kailangang macho, kailangan guwapo, wala po akong ganun.”
 
Biro pa niya, “Bulsa po talaga ang hinahanap ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN