Enchong Dee likely to endorse candidacy of Leni Robredo for vice-president

Ayon kay Enchong Dee, naniniwala siya sa kakayahan at integridad ni Congresswoman Leni Robredo ng Camarines Sur. Kaya, susuportahan daw niya ang kandidatura nito sa pagka-bise presidente sa darating na 2016 elections sa Mayo.


Sa darating na February 9 na ang simula ng campaign period ng national candidates para sa 2016 presidential elections. Kani-kanyang manok na rin ang ilang celebrities sa mga nais nilang suportahan at iendorso sa paparating na halalan.

Katulad na lamang ni Enchong Dee, tubong-Naga, Camarines Sur, na labis ang suporta sa kandidatura noon ni Leni Robredo sa pagka-kongresista sa kanilang lugar.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actor, inusisa namin siya kung susuportahan ba niya ang candidacy naman ni Congresswoman Leni sa pagka-bise presidente sa nalalapit na eleksiyon.

Tugon niya, “Kung mayroon sigurong lalapit, I definitely support her. Pero for now kasi, alam ko hindi pa naman talaga nag-start yung campaign period.

“So, maganda kasi walang lumalapit para alam mo yung hindi porke’t maungusan yung iba, mag-i-start na ngayon, gusto ko rin yung ganun, e.

“Si Tita Leni kasi simple at saka she follow the rules. Yung iba kasi makikita mo nagsisimula na sa radio campaigns, nagsisimula na sa TV ads, which is parang sad kasi siyempre it’s in our constitution na kapag campaign period 'tsaka pa lang tayo mag-start.

“Yung iba kasi hindi pa naman election period nag-aano na, e. Nag-start nang magkampanya.

“That’s also one of the reasons why I would vote for her siguro.”

Noong inendorso raw niya si Leni noon, wala siyang hininging kapalit dahil naniniwala lang daw siya sa ipinaglalaban nito.

Aniya, “Yeah. Sabi ko I don’t ask anything in return. I do it if I believe on someone and something.”

Sabi pa ni Enchong, ini-exercise niya ang kanyang karapatang bumoto tuwing halalan, “Yeah, I’m registered, I’m voting. This is my second, I think.”

Nakausap ng PEP si Enchong sa launching ng bagong campaign ng Coke na "Taste The Feeling" noong gabi ng Huwebes, January 21, sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilunsad din sa pagtitipon ang bagong endorsers ng naturang softdrink brand na sina Bailey Mae, Ylona Garcia, Janella Salvador, Liza Soberano, Enrique Gil, at James Reid.

Si Enchong naman ay anim na taon nang endorser ng Coke.


BASHERS. Bilang artista, kumbinsido ang 27-year-old Kapamilya star na kasama na talaga sa kanilang buhay ang bashing.

Nitong nakaraan lamang, may isang Twitter follower ang binata kung saan sinabihan siyang “mukhang tae.”

Tinawanan lang niya ito base sa kanyang sagot sa Twitter.

Paliwanag niya, “A, yun? Wala lang yun. Parang gusto ko lang tawanan, pero minsan I think you just have them taste their own medicine. Pero, nothing serious, nakakatawa siya actually, it’s not really offending but nakakatawa.”

Ilang buwan na ang nakaraan, nag-viral naman ang larawan niya sa isang event kasama si Piolo Pascual. Iba raw kasi ang pagkatitig niya rito.

Sabi ni Enchong, “Yun din nakakatuwa, sinagot ko rin naman yun. Sabi ko, well makikisali na rin ako sa pagpapa-viral, I mean you don’t have to take everything so serious… it’s just part of our work, it’s part of being a celebrity. And you just have to know how to handle it.

“Tatanggapin mo rin talaga, e. Kasi kung nakakatanggap ka ng papuri, minsan makakatanggap ka rin ng pambaba-bash. And you just have to deal with it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN