Pinay hailed as Mrs. Grandma Universe 2016

Pinay contestant Babylyn Decena-Newfield won the Mrs. Grandma Universe 2016 title, besting more than 50 candidates in the coronation pageant held last January 21 in Sofia, Bulgaria. She also bagged the Best in National Costume Award.


Muling pinatunayan ng Pinay na kahit anong edad ay angat pa rin ito sa kagandahan.

Naiuwi ni Babylyn Decena-Newfield of Alabang, Muntinlupa, ang titulong Mrs. Grandma Universe 2016 na ginanap sa Sofia, Bulgaria, noong nakaraang January 21.

Tinalo ng 48-year-old businesswoman at lola sa apat na apo ang higit sa 50 grandmas na pinadalang kandidata ng iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Bukod sa titulong Mrs. Grandma Universe, napanalunan din ni Babylyn ang Best in National Costume award.

Nagtatrabaho bilang head ng Cartridge World Philippines si Babylyn.

Kahit na lola na siya, aktibo pa rin ito sa iba’t ibang sports tulad ng biking, mountain climbing, running at muaythai.

Ang pag-demonstrate niya ng muaythai ang ipinakita niya sa talent portion ng pageant.

Sa kuwento ni Babylyn, ang pumilit sa kanyang sumali sa Mrs. Grandma Universe ay ang pageant talent scout na si Obette Ricalde.

First time pa lang daw sumali ng Pilipinas sa naturang pageant, pero four years na pala itong nagaganap.

Ang mga past winners ay taga-Sweden (2012), Guatemala (2013), Malaysia (2014), at Singapore (2015).

Bilang kauna-unahang Mrs. Grandma Universe ng Pilipinas, advise ni Babylyn sa mga lola na tulad niya na hindi pa huli ang lahat at hindi natatapos ang lahat sa pag-alaga ng kanilang mga apo.

Aniya, “Being one [grandma] is not all about taking good care of your grandchildren but also to show the other people and the universe that I can still be competitive in every goal and objectives that I will set in my life, whether personal or professionally.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN