Iñigo Pascual doesn't mind Diego Loyzaga courting Sofia Andres: "We had a proper talk about it."

Iñigo Pascual says he doesn't mind Diego Loyzaga courting Sofia Andres: "Pareho ko silang kaibigan saka I'm happy whenever they are happy. Mabait si Diego. I've known him for a while now, so wherever Sofia is happy..."


Matapos ang showing ng kanilang pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig, naging very visible na laging magkasama sa mga gimik at ilang showbiz gatherings sina Iñigo Pascual at Sofia Andres.

Inamin naman nila na mayroon silang mutual understanding o M.U., at naging karaniwang tanawin na sa bakuran ng ABS-CBN na laging magkadikit ang dalawa.

Ngayong pinapareha na si Iñigo sa ibang young actresses ng ABS tulad nina Julia Barretto at Miles Ocampo, at si Sofia naman ay bini-build up bilang solong aktres, hindi rin naman tinago ng dalawa na unti-unting nabawasan ang pagiging malapit nila sa isa’t isa lalo’t wala na silang proyekto na magkasama.

Ngayon nga ay bali-balitang nanliligaw kay Sofia si Diego Loyzaga, na anak ni Cesar Montano.

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksyon tungkol dito si Iñigo nung nakaraang Linggo sa ASAP XX, inamin naman ng aktor na nagkausap na silang dalawa ni Diego tungkol sa nababalitang panliligaw nito kay Sofia.

Sabi niya, “I’m happy. Nakapag-usap kami ni Diego about it.

“We had a proper talk about it. We’re okay, we’re good friends.

“Hard feelings? No, not at all.

“Pareho ko silang kaibigan saka I’m happy whenever they are happy.

“Mabait si Diego. I’ve known him for a while now, so wherever Sofia is happy...”


DRIFTING APART? Ayon naman kay Iñigo ay magkaibigan pa rin silang dalawa ng aktres kahit hindi na rin sila masyadong nagkakasama sa ngayon.

Dagdag niya, “We’re still good, we still talk, we still got hang out pero 'di na masyado.

“We still hang out sa ASAP, sa work, but we don’t get to hang out a lot anymore.

“She’s doing her own thing, I’m doing my own thing now, but the friendship is definitely is still there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regular na napapanood si Iñigo ngayon sa seryeng And I Love You So, kunsaan love interest siya nina Julia at Miles sa istorya.


GOOD RATINGS. Masaya naman ang binata na mataas ang ratings at mainit ang pagtanggap ng tao sa kanilang serye.

Pag-amin niya, “Siyempre masaya dahil 'di namin talaga ine-expect na magre-rate ng mataas or even pumantay sa kabila [competing show in GMA-7], kasi malakas din naman yung nasa kabila.

“I’m super happy na nagre-rate kami.

“'Di namin talaga ine-expect, saka it’s my first teleserye so I’m excited.

“Even if we don’t rate, just to have an opprtunity to be part of that teleserye is a blessing for me.”

Best friends ang turingan nina Julia at Iñigo bago pa man sila nagsama sa And I Love You So at hanggang ngayon ay matalik pa rin silang magkaibigan.

Kuwento pa niya, “Palagi kaming magkasama sa taping, palagi kaming nagkikita.

“Nothing changed, to be honest. We’re still the same, sweet, fun and outgoing best friends.

“We still do things together, we still hang out, kaming apat nila Kenzo [Gutierrez] and Miles.

“Wala na kaming time makapag-hang out ngayon kasi puro taping, 'tapos puro ASAP, so yung hang out namin dun na rin. I just bring a guitar.”


PROTECTING FRIENDS FROM BASHERS. Bilang triangle sina Miles, Iñigo, at Julia sa And I Love You So, inamin ni Miles na nakakatanggap siya ng pamba-bash sa ilang mga Julia-Iñigo fans.

Ipinakiusap naman ng aktor na dapat ay hindi na umaabot sa ganitong punto ang mga bagay-bagay.

“Siyempre ayokong may masaktan sa mga nakaka-partner ko, not even Sofia, Miles or Julia to be hurt or bashed by anybody.

“Siyempre if you established friendships with them, as a guy you don’t want them to be hurt, you want to protect them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman I’m not choosing any sides, I’m just doing my job. Lahat kami magkakaibigan,” diin niya.


PROUD OF DAD'S ACHIEVEMENT. Proud na proud din si Iñigo para sa ama niyang si Piolo Pascual dahil nominated ang pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis sa Berlin Film Festival.

Pagmamalaki niya, “Siyempre nakaka-proud.

“I mean, sabi nga niya sa akin dati, he’s at a point where he doesn’t know what to prove anymore, what else he can do to prove himself.

“This nomination is another milestone for him, another way for people to see that there’s something more, something more to prove to himself din not just to the people.

“I’m happy for him, I’m excited for him.”


ALWAYS LEARNING. Isa sa laging sinasabi ni Piolo ay gusto niyang makatapos ng pag-aaral ang kanyang anak.

Ipinangako naman ni Iñigo na tutuparin niya ito dahil plano niyang tapusin ang pag-aaral sa Pilipinas.

Pahayag niya, “I finished high school, so at the moment I’m looking at some business colleges.

“I really wanna do business pero 'di ko talaga alam ang gusto ko, kasi from the very start talaga, ang gusto ko talaga is Performing Arts.

“Pero I wanna do something different from what I am doing at the moment.

“Pinag-iisipan ko, I wanna take up something right now while I’m working, but also focus on something, pick up subjects where I can have some break from what I am doing and study.

“I don’t like to be distracted.

“He always reminds me about it and I wanna do that because every time he brings me in a business meeting, tatanungin niya ako, 'What did you learn? Ano ang naintindihan mo pagkatapos ng meeting?'

“Ang sasabihin ko lang, 'Pa, pumunta lang ako para kumain.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Di ko talaga naiintindihan kung ano ang nangyayari at gusto kong matutunan kung ano ang pinag-uusapan nila, kung ano ang nangyayari.

“Somehow, I wanna be able to inherit what he is teaching me now—the way he’s organizing, the way he does things.

“Like nung birthday niya, he organized this yearly thing na ginagawa niya sa orphanage sa Hospicio. Natututo din ako—how to do things, how to handle things and how to give back.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN