Robi Domingo finds quality time for girlfriend Gretchen Ho despite their busy showbiz skeds

Robi Domingo on finding quality time for GF Gretchen Ho despite their busy schedules: "You may have seven days na kayong dalawa lang, pero yung quality [of time] kasi [is what matters]."


Sa mga naunang interviews kay Robi Domingo, hindi itinago ng TV host na oras ang isa sa nagiging dahilan ng tampuhan nila ng kasintahan niyang si Gretchen Ho.

Ngayong pinasok na rin ni Gretchen ang mundo ng showbiz kusaan regular na rin itong napapanood sa TV Patrol at sa ilang sports shows ng ABS-CBN, agad na tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robi nung nakaraang Linggo sa ASAP XX kung problema pa rin ba nila hanggang sa ngayon ang oras, lalo’t busy na rin ito sa mga shows nito.

Pag-amin niya, “Problema pa rin hanggang ngayon.

“Pero at least, we know what to do with what we have left for each other, at dun naman nag-iiba yun.

“You may have seven days na kayong dalawa lang, pero yung quality [of time] kasi [is what matters].

“Siguro mas magugustuhan ko pa yung one minute na punung-puno ng excitement kaysa yung seven days na wala namang nangyayari.”

Aminado naman si Robi na nung una ay hindi siya kumbinsido sa naging desisyon ni Gretchen na pumalaot na rin sa showbiz, pero nung nakita niya na nagustuhan na nito ang ginagawa ay binigay niya sa kasintahan ang buo niyang suporta.

“At first, I was kinda paranoid about it.

“Parang isang mundo na kami, e.

“The reason why I courted her before was because I wanted something different from my lifestyle.

“Since nagustuhan naman niya yung ginagawa niya, sinusuportahan ko rin yung mga gusto niyang gawin sa buhay,” pahayag pa niya.


KEEPING HIS LOVE LIFE PRIVATE. Hindi nilihim nina Gretchen at Robi ang relasyon nila sa publiko pero para sa TV host, sa kabila ng mga ibinahagi nila sa mga tao, may mga bagay pa rin na para lang sa kanilang magkasintahan.

Paglilinaw niya, “Actually, 'di kami open, e.

“The public knows about us, but 'di ako gaanong nagsi-share ng information, kasi ayoko siyang ibigay nang lubusan sa iba, kasi gusto ko exclusive lang kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's one thing na alam ng iba na kami pero ayokong sabihin na, 'Uy, kami.'


HUMBLE DESPITE SUCCESS AS TV HOST. Bukod kina Luis Manzano at Billy Crawford na in-demand bilang hosts sa shows ng Kapamilya network, hindi rin pahuhuli sa dami ng shows sa ABS si Robi.

Nang tanungin namin kung ano sa palagay niya ang edge niya sa dalawa, para kay Robi ay 'di siya puwedeng maikumpara sa husay ng dalawa.

Sabi niya, “Ito talaga ang pina-pray ko dati pa.

“Prayer is one thing, pero dapat ibigay mo rin ang best mo.

“Whenever ABS-CBN gives me a project, I give not just my 100%, but more than that.

“You just have to love what you're doing.

“Siguro ang magandang lesson na napulot ko rito, patience makes it worth the wait.

“Everything will be worth it, just discover the talent, pahihinugin mo lang siya.

“Kinikilig kasi ako. Growing up, they have been my idols ever, wala namang maiiba dun.

“Ang mag-iiba lang siguro, before I used to watched them. Now I got to be with them.

“Edge? Sa ngayon wala pa akong masabi.

“I’ll leave it to the viewers kung ano yung nakikita nila. Kumbaga sa buffet, wala pa ako sa appetizer sa galing nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN