Sancho delas Alas not jealous of mom Ai-Ai's all-out support for Jiro Manio

Sancho delas Alas on mom Ai-Ai's unconditional love and support for Jiro Manio: "Sayang, e! Kasi napakatalentadong bata ni Jiro and at the same time iyon nga po, para po kaming magkakapatid. So kumbaga, ayaw namin na may naiiwan."


Ipinagpapasalamat, at hindi nagseselos, si Sancho delas Alas sa pagmamahal na iniuukol ng ina niyang si Ai-Ai delas Alas kay Jiro Manio.

“Itinuring po talaga naming parang kapatid si Jiro.

“Kumbaga, halos kasabay din po kasi namin yung Tanging Ina series, e.

“So kumbaga… sumasama po kami sa mga shooting, so nakikilala’t nakikilala po namin… tsaka parang kapatid na rin po talaga ang turing namin kay Jiro.

“And very excited po kasi I think lalabas na po yata siya, if not this month, maybe next month.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa presscon ng Wish I May noong January 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

NO JEALOUSY. Hindi raw dumating ang pagkakataon na nagselos o tumutol siya sa atensyon at pagmamahal ni Ai-Ai kay Jiro.

Aniya, “Hindi po, hindi po, wala po, wala po.”

Mula raw sa simula ay todo ang suporta nila kay Jiro.

Bakit? Dahil sa awa?

Pagklaro niya, “Kasi… hindi naman po sa awa.

“Sayang, e!

“Kasi napakatalentadong bata ni Jiro and at the same time iyon nga po, para po kaming magkakapatid.

“So kumbaga ayaw namin na may naiiwan.

“So kaya sabi namin kay Mama, go lang!

“Dapat nga po, titira pa sa amin si Jiro e, for some time.

“Kaso, kailangan na po talagang ipasok si Jiro sa rehab.”

Sa ngayon ay patuloy na bumubuti ang kalagayan ni Jiro.

OPTIMISTIC ABOUT JIRO'S SECOND CHANCE. Paano kung sakaling bumalik si Jiro sa dati nitong bisyo? Ano ang mararamdaman ni Sancho?

“Second chance na niya po ito, e.

“So huwag na niyang sayangin.

:Kasi kumbaga, kami as a family nandito naman kami para kay Jiro.

“Huwag niya lang sasayangin kasi lahat kami dito, lahat kami sa family, naka-full force kami, gusto namin siyang tulungan talaga, and ang nakakalungkot lang kung babalikan niya yung noon, yung nakaraan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST ADVICE FROM MOM. Ano ang best advise o payo sa kanya ng ina niya?

“Huwag na huwag magdedesisyon na hindi pa buo ang loob.

“Kumbaga, ‘Isipin mo five times. Pag hindi ka pa sigurado sa desisyon mo, isipin mo ten times. Pag hindi pa rin, one hundred, one thousand, one million times, hanggang sa mag-decide ka na wala kang regret.'”

ADVICE FOR AI-AI. Ano naman ang pinakamagandang payo niya kay Ai-Ai?

“Kay Mama?

“Huwag siyang mawawalan ng pag-asa! Kasi, may time kasi na sumuko na siya, e.

“Na ayaw na niyang mag-boyfriend, e. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag.

“Kasi darating at darating ang taong para sa ‘yo.

“Hindi man ngayon, hindi man bukas, pero di ba? Buhay ka pa, e. Hindi pa tapos yung buhay mo, laban pa 'yan.’”

At sa palagay raw ni Sancho, ngayon, sa piling ng boyfriend nitong si Gerald Sibayan, ang tamang panahon para sa kanyang ina.

Pagkumpirma niya, “Feeling ko naman po. Ito na yung tamang panahon.”

Sa Wish I May na umeere sa GMA, gumaganap si Sancho bilang si Tope na pinsan ni Tristan played by Miguel Tanfelix.

Bukod kina Sancho at Miguel, nasa Wish I May din si Bianca Umali bilang Carina na leading lady ni Miguel, Camille Prats bilang Olivia, Mark Anthony Fernandez bilang Clark, Alessandra de Rossi bilang Loretta, Glydel Mercado bilang Barbara, Rochelle Pangilinan bilang Audrey, Neil Ryan Sese bilang Gabriel, Juan Rodrigo bilang Edward, Prince Villanueva bilang Dave, Marni Lapuz bilang Doris, Ash Ortega bilang Eunice at Mark Herras bilang si Andrew.

Ang Wish I May ay sa direksyon nina Neal del Rosario at Mark Sicat dela Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN