Pia Wurtzbach promises to pay taxes on pageant winnings, except crown

Pia Alonzo-Wurtzbach, Miss Universe 2015, reveals why she doesn't need to pay for the taxes of her Miss Universe crown: ''Because it's not mine.''


Nagsalita si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach tungkol sa isyu ng pagbabayad ng buwis para sa kanyang prizes sa prestigious international beauty pageant na ginanap noong December 20, 2015 sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ilan sa mga napanalunan ni Pia bilang Miss Universe ay US$300,000 prize money, monthly salary, scholarship, at modeling contract.

Noong nakaraang linggo, nagbigay ng paalala si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na hindi exempted ang ikatlong Miss Universe ng Pilipinas mula sa pagababayad ng buwis.

Sinabi ni Henares na ipinapatupad lamang niya ang batas at walang exempted sa pagbabayad ng buwis, ayon sa ulat ng State of The Nation ng GMA News noong nakaraang linggo.

Wala namang balak takbuhan ni Pia ang kanyang responsibilidad pagdating sa pagbabayad ng tax.

“I pay my taxes when I was with ABS-CBN… as an actress; when I was with Binibini, so I’ll continue on doing that as long as I’m earning money here, like everybody else,” pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng online press sa kanyang homecoming presscon na ginanap sa Novotel Araneta nitong Linggo, January 24.

Samantala, sumang-ayon si Pia sa tanong na hindi siya puwedeng buwisan sa kanyang korona na nagkakahalaga ng US$300,000 (tinatayang higit sa P13M)

“Because it’s not mine,” katwiran ng beauty queen.

Samantala, isinusulong naman ni Representative Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro, hometown ni Pia, na i-exempt ang kanyang kababayan mula sa pagbabayad ng buwis mula sa kanyang mga premyo, kabilang na rin ang kanyang Miss Universe crown na gawa mula Czech Republic.

Hangad din ng resolusyon na ibigay kay Pia ang pagiging Ambassador of Goodwill.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN