Pia Wurtzbach willing to work in the U.S. after Miss Universe tenure

Pia Wurtzbach fondly recalls her controversial yet prophetic tweet that caused quite a stir on social media. But as it turned out, she was right all along. She did win the crown.


Sinagot ni Pia Alonzo Wurtzbach, Miss Universe 2015, kung ano ang plano niya pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang Miss Universe.

Sabi niya, “If there are any offers, opportunities to work abroad in the US, then why not? I’ll definitely try that out. And I might be the next Bond girl, who knows?

Matatandaang sa pageant noong December 20 sa Las Vegas, Nevada, USA, bahagi ng video introduction kay Pia ay ang kanyang pangarap na maging next Bond girl.

Nakausap ng members of the press si Pia sa kanyang homecoming press conference na ginanap sa Novotel Araneta nitong Linggo, January 24.

Samantala, natanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pia kung ano ang nararamdaman niya ngayong nagkatotoo ang kanyang tweet noong May 3, 2015, matapos matalo si Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather.

Matatandaang naging kontrobersyal ang tweet ni Pia at na-bash siya dahil dito. Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pagpapakita niya ng sobrang kumpiyansa sa sarili.

Natatawang sagot ni Pia, “Alam mo, isang araw, gumising ako, sinabi ko sa roommate ko na nakahiga sa bed, ‘You know what, I really have to do well in Miss Universe because I said so many things back home and I can’t take it back.”

Inusisa raw siya ng kanyang roommate, na si Miss Myanmar May Barani Thaw, kung ano ang sinabi ni Pia sa kanyang post.

“’I said I was gonna win. I can’t show my face there if I don’t.’

“And she’s laughing,” paglalarawan niya kay Miss Myanmar.

“She’s so used to it, she’s so cool.

“But that’s exactly how I wanted it to be, I wanted people to take it as a joke.

“Buti na lang I was actually able to do it. It would’ve actually been embarrassing if I didn’t.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN