Kean Cipriano neither confirms nor denies wife Chynna Ortaleza is pregnant

Married life sits well on Kean Cipriano who says he's more inspired now than ever, "It's a dream come true… it's heaven."


Kahit kasal na sila at any time naman daw ay welcome sa kanila na bumuo ng pamilya, hindi nagbigay ng anumang pahayag, pagtanggi o pagkumpirma si Kean Cipriano sa lumalabas na balitang buntis na ang misis niyang si Chynna Ortaleza.

Sabi ni Kean sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Well, I can't really dish out any details. Sorry, sorry with due respect.

"I respect my wife, and our decision is, no details."

Dagdag niya, "We believe in individuality.

“At the end of the day, it's still gonna be Kean Cipriano of Calla Lily and Chynna Ortaleza who is a brilliant actress.

“And we're very much inspired with each other.

“Pero yung detalye sa buhay namin as married couple, it's something so sacred that we want to keep to ourselves."

Hiningan din si Kean ng reaksiyon sa mga sinasabi ng ilang netizens sa nakitang tila baby bump ni Chynna sa Instagram post nito.

May mga nagtatanong kung buntis ba ito at mayroon din namang nagko-congratulate na sa kanila.

Pahayag ni Kean, "Well, it's okay, we all have our freedom of expressing our insight and comments.

"The fact that we live in Internet [age]… you know.

“Wala namang Internet dati; ngayon lahat, puwedeng magsalita.

"It's fine, it's fine. I respect every comment, it’s their decision to post, it's their time.

“And the thing is, we post some pictures, too.

"The fact na nag-post ka ng picture on the Internet, e, it's bound to be judged.

"Of course, I mean, miracle lahat ng nangyayari, kaya tayo nabubuhay sa mundong ito.

"Having a baby is another dream come true. 

“Kung yun lang din naman, I mean, life is short. Live it to the fullest."

‘IT’S HEAVEN.’ Kumusta naman ang marriage life nila ni Chynna?

"Very peaceful, very happy, it's a dream come true.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marriage life? How do i describe it?

“It's indescribable actually. It's everyone's dream to find peace deep within with someone.

"So it's a dream come true… it's heaven."

Marami ang nagulat na kasal na pala sila at nagtaka kung bakit hindi nila ito agad ibinahagi sa publiko.

Ayon kay Kean, "Well, like I've said, the farther that we could go was to post it on Instagram.

"Pero me and Chynna, we talked about it.

"Anything regarding our personal lives, our family, we wanna keep the details to ourselves.

"It is that sacred to us that we want to keep it to ourselves.

“I would like to thank each and everyone, especially you from the media, who respects our decision.

"Thank you very much for your understanding."

Ang sinisigurado ni Kean, masaya siya ngayon.

”Yes, very much.

“Lahat naman na sabihin ng ibang tao tungkol sa atin, sa 'yo, at the end of the day, matutulog tayo na alam natin ang ginagawa natin, alam natin ang pamilya natin.

"Alam natin kung ano ang gusto nating gawin sa buhay natin.”

MUM’S THE WORD. Ganito nga ba siya talaga kapribado pagdating sa love life niya?

Sagot ni Kean, "Yeah, actually it's my personal decision to keep my mouth shut ever since.

"I respect every individual that I encounter in my life, especially the ladies.

"Kaya kapag tinatanong ako sa past relationship ko or whatever, I really can't dish out anything… private yun.

"Para rin universe, yung career ko as public individual at personal na buhay.

“Yun ang sinasabi ko kanina, it's really hard to be private in a public arena.

“But it's pretty amazing how you keep it because it becomes more special."

"It's life. It's like living a single life, yun nga lang, may asawa ka... just kidding."

INSPIRED. Tinanong din namin si Kean kung may mga napansin ba siyang pagbabago sa sarili niya ngayong mister na siya.

"I don't know," nakangiti niyang sabi.

"Ito na lang din siguro ang napansin ko sa sarili ko, that I am very much inspired than ever.

"Iba yung drive ko ngayon as a human being, masasabi kong writing free ako.

“Sulat ako nang sulat ng kanta. Sulat ako nang sulat ng nga script. I am very much inspired."

Marrying type pala siya, may impression kasi sa kanya dati na playboy siya.

"I myself can't believe it!" natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

”Marumi man akong tingnan pero malinis akong magmahal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN