Yassi Pressman wants to close chapter with ex-boyfriend Sef Cadayona

Three years after the split of Yassi Pressman and Sef Cadayona, the actress is hard-pressed to put the final nail in the coffin of the dead issue. She says, "I want to close that chapter in my life forever. Ang naging kapalit naman ay mga magagandang blessings... Things just got better."


Tatlong taon na ang nakalilipas, ngunit tuwing nakakausap siya ng entertainment press ay nababanggit pa rin kay Yassi Pressman ang hiwalayan nila ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona noong 2013 dahil sa alleged third party.

Ngunit diin ng Viva star, “I’ve moved on. I want to close that chapter in my life forever."

Ang itinuturong diumanong third party sa kanilang hiwalayan ay ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Sabi naman ni Yassi tungkol dito, “It’s been like three years na… tapos na po ‘yan sa buhay ko.

“Matagal na po akong naka-move on… mas masaya ako ngayon.

“Hindi lang sa personal life ko but with my professional career.

“When that unfortunate breakup happened, marami pong magagandang bagay na dumating sa akin.

“Kaya parang it just took me a short time to feel sad about it.

“When the blessings came, I said to myself, ‘Ito na siguro ‘yung kapalit ng nangyari sa love life ko.’

“Things just got better.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa press conference ng pelikula nila ni Andre Paras na Girlfriend For Hire noong Biyernes, January 22.

STARTING FRESH. Since the breakup, hindi na raw nakita o nakausap pa ni Yassi si Sef kaya walang malinaw na closure ang dalawa.

Lahadng dalaga, “The last time I saw him, nasa GMA-7 pa po ako, ang tagal na nun.

“Kahit accidentally na magkita po kami, hindi nangyayari.

“Hindi rin po siya nag-attempt na tawagan or i-text ako.

“As in, wala na kaming naging communication.

“I guess, everything happens for a reason.

“If we were meant to be, hindi mangyayari iyon.

“In a way, God allowed it to happen kasi ang naging kapalit naman ay mga magagandang blessings.

“Kahit na po wala kaming closure, it really doesn’t matter anymore now.

“I just want to start fresh."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN