Isabelle Daza takes the blame in 'false alarm' wedding of Solenn Heussaff and Nico Bolzico

"Kasi ngayon, anything you say on social media, it's taken literally," says Isabelle Daza clarifying her Snapchat post about Solenn Heussaff and Nico Bolzico's celebration of union in Argentina.


Nilinaw ni Isabelle Daza ang umano'y maling interpretasyon ng publiko sa inakalang pagpapakasal ng kaibigan niyang si Solenn Heussaff sa fiancé nitong si Nico Bolzico.

Sa maiksing panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters kay Isabelle sa presscon ng Tubig at Langis kamakailan, sinabi niyang hindi kasal ang naganap sa Argentina noong December 2015.

Paliwanag ni Isabelle, “I think it's just a tradition sa family nila Nico, na parang gusto nila magpa-party para sa mga hindi puwedeng dumating sa wedding niya sa Argentina. Kasi siyempre, ang laki ng family nila.”

Paano naman maipapaliwanag ni Isabelle ang Snapchat posts niya kung saan may caption siyang “Mr and Mrs Bolzico” at “Rustic Wedding”?

“Wala, may kasalanan,” sabay turo ni Isabelle sa sarili.

At ang reaksiyon umano ni Solenn dito, “Tumawa na lang siya.”

Dahil dito, mas magiging maingat na lamang daw si Isabelle sa kanyang ipu-post sa social media.

Katuwiran niya, “Kasi ngayon, anything you say on social media, it's taken literally.

"Gusto ko nga rin mag-prank kay Anne [Curtis] and Erwan [Heussaff] na engaged, pero sabi nila, 'Don't do that.'”

READY TO GET MARRIED. Sa kanyang parte naman, handa na raw si Isabelle na magpakasal sa kanyang boyfriend of six years na si Adrien Semblat.

Kamakailan sa Kris TV, kinulit siya ng actress-host na si Kris Aquino sa diumano'y engagement nila ng kanyang boyfriend. Subalit agad naman nilinaw ni Isabelle na hindi ito totoo.

Halos ganito rin ang sinabi niya sa panayam ng PEP.

“Well, I'm forcing him to get engaged na, I keep telling him. Hopefully, this year it will happen,” sabi ng Kapamilya actress.

Nang tanungin kung ngayong taon din niya gustong magpakasal, natawa si Isabelle at sinabing, “Huwag naman kasi may work pa ako, Tubig at Langis lang muna.”

Kung sakali, gusto ng anak ng dating beauty queen na si Gloria Diaz na “intimate” ang pagpapakasal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN