Vice Ganda reveals Robin Padilla treats him as a woman

Vice Ganda is having fun as one of the judges in Pilipinas Got Talent Season 5, and not the least because of the attention he is getting from Robin Padilla.


Ngayon pa lang nakasama ni Vice Ganda sa trabaho si Robin Padilla bilang dalawa sila sa apat na hurado ng Pinoy Got Talent Season 5.

Kumusta ang working relationship nila?

Ayon kay Vice, “Ang bait ni Robin, e, napakabait.

"Sinabi pa niyan sa akin, 'Nau-offend ka ba, kasi ang treat ko sa iyo ay babae? Minsan, ang tawag ko sa 'yo ay Ms. Vice?'

"Sabi ko, 'Ay, hindi. It doesn't really matter kung tawagin mo akong Sir or Ma'am. Basta with respect, hindi mo ako ginagago o ano, wala sa akin yun.’

"Sabi naman niya, 'E, kasi, di lalaki ang tingin ko sa iyo, babae talaga, okey lang ba?'

"Sabi ko, 'Go!' Bet ko 'yan, e, at sobrang napaka-gentleman.

"Malaglagan ka lang ng tissue, sasabihin niya, 'Ako na, ako na.’

"Dumarating ka pa lang, makikita mo, naghahanap na 'yan ng chair para sa iyo."

Posibleng na magkaroon sila ng movie together?

Mabilis niyang sagot, "Why not?

"Barakong-barako si Robin.

"At saka, ini-enjoy ko na ang action-comedy.

"Parang mas dun na ako papunta."

Ang huling pelikula ni Vice na Beauty and the Bestie, kung saan kasama niya si Coco Martin, ay isa ring comedy-action.

SPECIAL REQUEST? Binibiro nga raw niya si Robin sa pagbalik nila sa Kapamilya network ng misis niyang si Mariel Rodriguez, na co-host naman ni Vice sa It’s Showtime.

Sabi raw ni Vice kay Robin: “Siguro, ipinalagay niyo sa kontrata na kailangan ako ang makatrabaho niyong mag-asawa?"

Lahad pa niya, “Kapag kasama ko si Mariel, ang topic namin si Robin.

"'Pag kasama ko si Robin, ang topic namin si Mariel.

“Sabi ko, 'Nauuta na ako sa inyong dalawa.'

"in fairness [sa It's Showtime], masaya na nandun sina Mariel at Amy [Perez].

"Nakatulong, nakadagdag ng fun.

"Nabago na ang dynamics… yung pasok ng Mariel at Amy, nakadagdag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala silang dinuplicate sa sinumang member ng family noon.

"Iba si Mariel, sira-ulo, nakakaloka.

"'Tapos, pag wala ako sa kanila, at nagpi-PGT [Pilipinas Got Talent] ako, nami-miss ko talaga siya, silang dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN