Barbie Forteza insists she does not have suitors at the moment

Barbie Forteza admits she gets kilig just by being a friend of Alden Richards: "Sino bang hindi hahanga at kikiligin sa Pambansang Bae?"


Iginiit ng Kapuso teen actress na si Barbie Forteza na walang nanliligaw sa kanya ngayon.

“Wala akong manliligaw, period! Walang iba… wala talaga,” sabi ni Barbie sa presscon ng That’s My Amboy noong Huwebes, January 21, sa GMA Network Center.

Bakit?

“I have no idea!”

Baka naman nai-intimidate ang mga nagbabalak manligaw sa kanya sa ka-love team niyang si Andre Paras na bukod sa guwapo ay napakatangkad pa.

Sagot ni Barbie, “Bakit? Kami ba? Ganun ba yun?

“E, hindi, matatakot lang sila kay Andre kung nagpapakita ng motibo… dapat silang matakot sa kanya. Ganern!

“But apart from that, I don’t think na matatakot sila.

“Siguro sa akin sila natatakot.”

FROM HEAVY DRAMA TO ROM-COM. Natuwa raw si Barbie na matapos ang mga paghihirap niya sa dramatic scenes at mabibigat na eksena sa The Half Sisters ay light lamang ang That’s My Amboy.

Tumagal kasi ng isa't kalahating taon ang The Half Sisters.

Saad niya, “Grabe... actually, hindi naman sa paghihirap.

“Challenge para sa akin na sobrang tagal na heavy drama.

“So, sobrang naging malaking challenge for me to maintain yung energy sa heavy drama.

“And to differentiate my energy dito sa rom-com.”

Sa That’s My Amboy, si Barbie ay gumaganap bilang si Maria Rosario “Maru” Carreon, personal assistant ni Andre bilang si Bryan Ford na isang artista.

Ikinatuwa raw ni Barbie ang papel niya.

“Oo, kasi hindi lang siya basta PA, kalog siya talaga.

“Yung pagkakalog, yung energy, yung character, very Barbie.”

Halimbawang PA nga siya sa tunay na buhay, sinong artista ang nais niyang pagsilbihan?

“I think you all know kung sino ang gusto ko,” ang kikay na sagot ni Barbie. “Why not, di ba?”

Ang tinutukoy ni Barbie ay ang longtime crush niyang si Dennis Trillo.

TRUSTWORTHY. Marami ang nagsasabing paborito ng GMA si Barbie dahil nabigyang agad siya ng project pagkatapos ng huling teleserye niya.

“Puwede po bang hindi po ako ang nagde-decide!” at tumawa ang young actress.

“Actually, kinabahan nga ako. Kasi originally, kapag po nagkaroon ng show na four months, medyo mga two months kang magpapahinga.

“Ang tagal ng The Half Sisters, so gaano katagal akong matetengga?

“Mabuti na lang talaga, sobrang suwerte ko na nabigyan ako ulit ng bagong blessing.”

“Feeling ko, hindi favorite yung tamang word, feeling ko, parang… trust!

“More on trust dahil ever since, vow ko talaga sa GMA na I will give my two hundred percent, five hundred percent.

“Sa kahit na anong ibigay nila sa akin, ke indie film 'yan, ke TV show, or variety show, Sunday show, ibibigay ko talaga yung best ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kaya minsan sinasabi nila na OA ako, kasi nga I’m giving my 500 hundred percent.

“So, feeling ko, iyon naman yun, hindi dahil sa favorite.”

Nagkasama sina Barbie at Thea Tolentino sa The Half Sisters.

Pero pagkatapos ng teleserye ay may follow-up project agad si Barbie at bida siyang muli.

Samantalang si Thea ay wala pang bagong show.

Tuloy pa naman daw ang communication nila ni Thea.

“Magka-text kami palagi… papanoorin niya nga ito, e.”

Hindi raw inggitera si Thea.

“Nakasama ko si Thea ng sobrang tagal, hindi siya ganun, sobrang totoong tao ni Thea.”

ALDEN’S FRIEND. Sa kabilang banda, may mga bashers na sinasabing overacting si Barbie sa Sunday comedy-musical show na Sunday Pinasaya.

Pahayag ni Barbie tungkol dito, “Nagpapasalamat ako dahil ibig sabihin napapanood nila ako.

“Masaya naman ako sa mga bashers ko, halos lahat naman ng artista may bashers.”

Kasama rin si Alden Richards sa Sunday Pinasaya at ayon kay Barbie, hanggang ngayon ay walang ipinagbago ang Pambansang Bae.

“Wala, wala talaga, pramis! Sobrang kung papaano ko siyang naging kaibigan before, ganun pa rin siya ngayon.”

Kababayan din ni Barbie si Alden sa Laguna at nagkatrabaho rin sila sa mga pelikulang Tween Academy at sa The Road.

Dagdag pa niya, “’Tapos nagkaroon kami ng Wagas, Maynila, ganyan.

“Never ko nakitaan ng kahit na anong pagbabago si Alden Richards talaga.”

Hindi ba siya nagkagusto kay Alden?

“Gusto niyo bang ma-bash ako?" bulalas ni Barbie.

“Alam naman nating lahat na napakaguwapo ng Pambansang Bae, so sino bang hindi hahanga at kikiligin sa Pambansang Bae?

“Pero kaibigan ko po kasi si Alden, barkada ho talaga kami.

“Kinikilig ako sa kanya pero kaibigan ko po siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN