Erwin Tulfo buries the hatchet with Claudine Barretto

Ayon kay Erwin Tulfo, wala na raw silang sama ng loob ng kapatid niyang si Raffy sa aktres na si Claudine Barretto. Pahayag ng TV5 news anchor, "Besides, may problema din naman… nagkaproblema din naman si Claudine sa marriage niya. E, kumbaga sa suntukan, e, down na rin naman yung tao, bakit kailangan mo pang sipa-sipain? Besides, magka-Kapatid na kami ngayon."


Hindi na raw masama ang loob ng TV5 news anchor na si Erwin Tulfo at maging ng kanyang kapatid na si Raffy Tulfo kay Claudine Barretto.

Nag-ugat ang galit nila nang makaaway ng kanilang kuya na si Ramon “Mon” Tulfo ang mag-asawang Claudine at Raymart Santiago sa Ninoy Aquino International Airport noong May 2012.

Nauwi pa sa demandahan ng magkabilang kampo ang naturang insidente.

Pero ayon kay Erwin, na-dismiss din lahat ng mga kasong ito.

“Pati nga yung kina Claudine, na-dismiss na lahat,” dagdag niya.

Kinalimutan na raw ni Erwin ang galit niya kay Claudine lalo na ngayong magkasama na sila sa TV5.

Si Claudine kasi ang bida ng bagong Kapatid teleseryeng Bakit Manipis ang Ulap?.

Ayon kay Erwin, “Magkakasama na nga kami bilang Kapatid.

“Si Tol Raffy, nagsama na sila, nag-guest pareho. Kami nagkasalubong kami ni Claudine, nag-hi, hello.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Erwin sa ibinigay niyang intimate get-together para sa ilang entertainment press noong Enero 22 sa Max’s restaurant sa Robinsons Galleria.

Kung tutuusin daw kasi ay hindi naman sila kasangkot sa gulo sa airport kundi ang Kuya Mon lang nila.

Pero siyempre, bilang kapatid ay ipinagtanggol nila sa kanilang programa ang kanilang kuya, kaya kinasuhan naman sila ng grave threat nina Claudine at Raymart.

Sabi ni Erwin, “Kasi hindi kami talaga nagkita ni Claudine o ni Raymart, e.

"Nung dumating ako sa airport, wala na, tapos na, naawat na lahat.

“So, it was just Mon lang talaga na may rambulan, nakita niya si Claudine.”

Wala na rin ba ang sama ng loob ng kanilang Kuya Mon?

“Ewan ko kay Kuya Mon, yun ang hindi ko alam.

“Pero sa akin at kay Raffy, wala kaming problema, kasi hindi naman kami talaga nagpang-abot doon sa airport.”

PITY ON CLAUDINE. Nakaramdam nga rin daw ng awa si Erwin kay Claudine dahil sa sunud-sunod na dagok sa buhay nito pagkatapos ng insidente sa airport, lalo na yung may kinalaman sa hiwalayan nila ni Raymart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Besides, may problema din naman… nagkaproblema din naman si Claudine sa marriage niya.

“E, kumbaga sa suntukan, e, down na rin naman yung tao, bakit kailangan mo pang sipa-sipain?

“Besides, magka-Kapatid na kami ngayon.”

Paano sila nagkita ni Claudine?

Ayon kay Erwin, “Nagkita kami sa studio. Nag-hi.

“Tapos kinausap pa ako ng management kung puwede bang mag-guest si Claudine [sa programa ko sa radyo at telebisyon] para i-promote ang Bakit Manipis ang Ulap.

“E, sagot ko, ‘Sure.’”

Ano naman ang itatanong niya kay Claudine?

“E, tatanungin ko siya kung bakit manipis ang ulap? Pero ako na rin ang sasagot.

“Sabi ni Luchi [Cruz-Valdes, News5 head], 'Paano ang sagot mo?'

"Sasabihin ko, 'Kasi tag-araw, hindi naman tag-ulan.'"

HAPPY 2016. Gusto na raw iwan ni Erwin ang mga negatibo sa nakaraan.

Mas maganda raw simulan ang 2016 nang positibo ang pananaw sa buhay at wala nang kinikimkin na galit at sama ng loob.

Masaya si Erwin dahil tuluy-tuloy pa rin ang kanyang mga programa sa telebisyon at radyo.

“Dapat i-enjoy lang natin ang buhay pati ang mga blessing na dumarating.

“Ako, patuloy ang pasasalamat ko dahil marami pa rin tayong mga programa.

“I have Punto Asintado sa radio [92.3 News FM]. Then sa TV5, I have Aksyon sa Umaga.

“Yung T3, this February, magiging daily na ulit, 11-11:30 A.M.

"And then, yung Aksyon sa primetime.”

Gusto niya raw pagbutihan pa ang trabaho niya lalo na’t noong Disyembre 2015 ay muli siyang pinarangalang Best Male Newscaster sa Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang award daw na ito ay inihandog niya sa kanyang ina.

“The trophy that I got is in my mom’s house. And my mom keeps on looking at it kasi she keeps on praying every day.

“Tapos sabi ko, ‘Mommy, eto na yung award na ibinigay sa akin ng entertainment press, ng PMPC, because they like me.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naiyak yung nanay ko because of that award.

“So, I’ll just keep on doing my best this 2016.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN