Zanjoe Marudo avoids talking about breakup with Bea Alonzo

Zanjoe Marudo refuses to discuss breakup with former longtime girlfriend Bea Alonzo.


Idinaan na lang sa ngiti ni Zanjoe Marudo ang panunukso sa kanya ni Vice Ganda tungkol sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Ito ay matapos ilarawan ni Zanjoe ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae, base sa episode ng Gandang Gabi Vice (GGV) kagabi, January 24.

Ayon kay Zanjoe, ang tipo niyang babae ay yung maganda, malambing, responsable, at mayroong sense of humor.

Sabi pa niya, "Gusto ko mas malambing kaysa sa akin. Siya yung mas mayakap."

Tanong ng host ng programa na si Vice Ganda: “Nahanap mo na ba ‘yang ganyang may qualities?”

Sa puntong ito ay biglang pinatugtog ang version ng kantang “I’m Missing You” ni Bea.

Kaya't hindi maiwasang mapangiti ni Zanjoe at ng kanyang Tubig at Langis leading ladies na sina Cristine Reyes at Isabelle Daza, na kasama ring ininterbyu sa GGV.

Sagot naman ni Zanjoe, “Nahanap naman.”

Tanong ulit ni Vice, “Kasama mo na ba?”

Biglang kumanta naman si Cristine ng ilang linya mula sa chorus ng “I’m Missing You.”

“Nakita ko na ‘to. Nakilala ko na ‘to,” maiksing tugon ni Zanjoe.

Pangungulit pa rin ni Vice, “Nakasama mo na. So, hindi mo na siya kasama ngayon?”

Bahagyang napangiti si Zanjoe at saka paiwas na sumagot, “Babalitaan ko kayo.”

Hindi man direktang pinangalanan, malinaw na pinatutungkulan ni Vice si Bea.

Noong January 20, kinumpirma ni Zanjoe na hiwalay na sila ni Bea pagkatapos nang mahigit apat na taong relasyon.

Read: Zanjoe Marudo confirms breakup with Bea Alonzo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN