(UPDATED) Jasmine Curtis-Smith deletes Snapchat 'playful' video with Erwan Heussaff

Here's Jasmine Curtis's deleted Snapchat video with Erwan Heussaff, boyfriend of her sister Anne Curtis, which is now circulating on the net, drawing different reaction from Netizens.


Usap-usapan ngayon sa social media ang Snapchat video ni Jasmine Curtis-Smith kung saan kasama niya si Erwan Heussaff, ang boyfriend ng ate niyang si Anne Curtis.

Ang naturang post ay deleted na sa account ni Jasmine ngunit may ilan siyang followers na na-screen capture ito, na siyang nagiging viral ngayon sa social media.

Dito, makikita sina Jasmine at Erwan na magkalapit ang mukha, habang ang isang screencap ay makikita namang tila nakadampi ang labi ni Erwan sa pisngi si Jasmine.

Dahil sa pagiging close"at diumano'y sweet nina Erwan at Jasmine sa Snapchat post, iba't iba ang naging interpretasyon ng Netizens.

Sa birthday greeting post ni Jasmine sa Instagram para kay Erwan, kung saan makikitang katabi ng huli ang girlfriend niyang si Anne, may ilang nagpahayag ng pagtataka kung bakit ganun ang closeness ng dalawa:

Nagbigay paalala naman ang ilang netizens at nagsabing huwag agad manghusga base lamang sa nakikita sa social media, lalo pa't hindi alam ang konteksto sa pagkuha ng nasabing video.

In the first place, kung may malisya ito, bakit ipo-post ni Jasmine sa social media?

At sa mga nagtatanong kung bakit niya dinilete, marahil ay dahil binigyang kulay ito ng ilang followers niya.

Napa-comment din ang kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff dahil sa bashers na tumitira kay Jasmine sa naturang post:

Sa kanyang Instagram account, nag-post din ang nakatatandang kapatid ni Erwan ng tila sarkastikong patama para sa mga taong nagbibigay ng malisya sa na-delete na Snapchat video ni Jasmine.


Sa post na ito, sinagot din ni Solenn ang isang nag-comment na nagsabing iba ang interpretasyon niya sa photo ng aktres kasama ang kanyang kapatid kung ikukumpara sa deleted Snapchat video ni Jasmine kasama si Erwan.




Sinubukang hingin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Jasmine tungkol dito, sa pamamagitan ng kanyang talent manager na si Betchay Vidanes, ngunit hanggang ngayon ay wala pa kaming nakukuhang reply.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na may ganitong klaseng kuha sina Erwan at Jasmine.

Noon pa man ay mapapansing malapit talaga si Erwan sa nakababatang kapatid ng kanyang girlfriend, at tila hindi naman ito isyu para kay Anne.

Sa katunayan, mismong si Anne ang nagpo-post ng pictures na magkasama sina Erwan at Jasmine, katulad na lamang nito:

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Jasmine tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN