Pauleen Luna ready to move into her new home

Pauleen Luna, the soon-to-be Mrs. Vic Sotto, began packing her things, which will be brought to her new home with Vic Sotto in Laguna.

Beside the couple was Father Jeffrey Quintela, who officiated the blessing of their new house.


Naghahanda na si Pauleen Luna sa bagong yugto ng kanyang buhay: ang pagiging Mrs. Vic Sotto.

Inaasahang magaganap ang kasal nina Pauleen at Vic ngayong weekend, base sa inihayag sa episode ng Eat Bulaga! nitong nakaraang Sabado, January 23.

Nitong Lunes, January 24, nagpost ang bride sa kanyang Instagram account ng larawan ng mga kahon lulan ang kanyang mga gamit, kasama ang caption na: I'm officially packing my stuff now. Never thought it would be bitter-sweet to leave our home.”

Samantala, inaasahang lilipat si Pauleen sa tahanan nila ni Vic sa Laguna.

Nitong Bagong Taon, nag-post si Pauleen tungkol sa pagpapa-bless ng magiging house nila ni Vic.

Ang priest at mentor na si Father Jeffrey Quintela ang siyang nag-officiate ng house blessing.

Read: SNEAK PEEK. Vic Sotto and Pauleen Luna's home in Laguna

Samantala, sa episode ng Eat Bulaga! nitong nakaraang Sabado, January 23, sinabi ng ina ni Pauleen na huling linggo na ito ng aktres sa kanilang bahay.

Ayon kay Mommy Chat sa pamamagitan ng phone patch, "Last week mo na 'to sa 'min so please, Pau, sana maging masaya pa rin tayo hanggang sa matapos ang linggong 'to bago ka ikasal."

Dugtong pa ng ina, "I prayed so hard countless of times na sana ilagay ka Niya kung saan ka magiging masayang-masaya, Pauleen.

"I wish the Lord will bless the couple to be a healthy, God-fearing family.

"So best wishes on your journey as a wife to great man, Vic.

"My daughter, Pauleen, sobrang love ka namin, you know that, at nabuhay ang pamilya natin sa pagmamahal.

"So sa next chapter ng buhay mo, ganun din. Mabuhay ang pagmamahal sa inyo ni Vic at sa mga magiging anak niyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN