Anjo Damiles hopes to make make it big in showbiz

Malaki ang pasasalamat ni Anjo Damiles sa mga masugid na tagasuporta ng kanilang seryeng Doble Kara. Patuloy raw kasi ang pagtaas ng ratings nito.


Masasabing masuwerte ang pagpasok ni Anjo Damiles sa showbiz dahil ginawa agad siyang isa sa mga bida sa panghapong serye ng ABS-CBN na Doble Kara.

Bukod kay Anjo, kasama rin niyang bida sa palabas sina Julia Montes, Edgar Allan Guzman, at Sam Milby.

Pahayag ng young actor tungkol sa kanilang teleserye, "Ang Doble Kara ngayon, ang taas ng ratings, and nagpapasalamat kami sa mga tao na patuloy na sumusuporta sa show.

“We’ll give our best para patunayan sa kanila na kayang-kaya namin ito, as a family.”

Bilang baguhan sa showbiz, hindi raw nag-aatubili si Anjo na magtanong sa mga matatagal na sa industriya kapag may nais siyang malaman. Katulad na lamang ni Sam na itinuturing na rin niyang kuya.

Sabi ng 19-year-old actor, “He's like my big kuya, sobrang parang big brother ko.

“Humihingi rin ako ng advises sa kanya and he gives it to me naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anjo sa launch ng Spring Summer 2016 collections ng Converse noong January 20, sa Pineapple Lab, Makati City.

PEP’S BEST BET.Sa taunang listahan ng PEP, nakasama si Anjo sa listahan ng PEP para sa Best Bets for 2016, na kinabibilangan ng mga baguhang artistang inaasahang sumikat at magkaroon ng marka sa taong ito.

Read: PEP YEAREND 2015: Best Bets for 2016

Malaki naman ang pasasalamat ng model-actor sa karangalang ito.

Pahayag niya, “I’m happy po kasi may mga tao rin pong naniniwala sa akin. And papatunayan ko rin naman po sa kanila at hindi ko rin po sila bibiguin.”

Si Anjo ay pamangkin ni 2006 Bb. Pilipinas-Universe Aileen Damiles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN