Donita Rose on status of her married life: "We're okay, but not we're not really together."

Donita Rose describes the status of her relationship with husband Eric Villarama: "If, like, let's say we both decide na hiwalay na talaga, then, until that day comes na hiwalay na kami, hindi muna ako magsasalita. Kasi, who knows, baka magkaayos pa rin kami, kasi both of us want to work it out—yun ang totoo. I believe that yung paghihiwalay is really the last, last resort. Kung anuman yung pagkakamali naming dalawa, we're both willing to work it out. First and foremost, we're physically sepa


Buo na ang desisyon ni Donita Rose na mag-focus muna sa kanyang sarili sa kasalukuyan. 

Ito ay sa gitna ng hindi pa ring nasosolusyunang problema sa pagsasama nila ng kanyang mister na si Eric Villarama.

Pahayag ni Donita, “Marami pang dapat ayusin, pero I think right now, I know exactly where I want to be. 

“Right now, I’m focusing on myself.

“Because in the past, it’s always been about me focusing on everybody else and nauubos ako. 

“But ngayong 2016, I want to like realign myself with the things I want to do. 

“And I love hosting, I love cooking. Hindi alam ng karamihan na chef ako. 

“After ng schooling ko, bumalik ako sa Amerika para magtrabaho for three years.

“I want to focus on being a chef.”

Itinuturing din daw niyang hamon ang papel na ginagampanan niya sa bagong primetime series ng GMA Network na That’s My Amboy.

Saad ni Donita, “At itong character ko, I didn’t think na kaya kong gawin.

“Pero when I did my last soap [Let The Love Begin], kaya ko pala.

“This is something I’m exploring now that I’m forty-one years old. 

“Ngayon ko lang na-experience yung totoong acting sa dami ng pelikulang nagawa ko—36 movies.

“Ngayon lang ako sumabak sa totoong dramatic roles.

“And I have a lot to learn pa. Kung iisipin mo, sa tagal ko sa showbiz, baguhan pa lang ako.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Donita sa presscon ng That’s My Amboy last week.

NOT GIVING UP. Nilinaw ni Donita na hindi siya sumusuko na ipaglaban o ayusin ang kanyang married life.

Saad niya, “Hindi naman ako nagsasalita ng patapos, pero right now, things are up in the air.

“Kasi ano siya e, back and forth, back and forth, up and down. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa ngayon, I don’t wanna focus on anything else except myself.”

Ibig bang sabihin nito ay puwede na niyang bitawan ang kanyang marriage life at tanggaping hindi na ito maaayos pa?

Tugon ni Donita, “The reason why hindi ako nagsasalita nang diretso is because hindi ako si God, hindi ko alam kung ano ang mangyayari. 

“I still believe in the power of complete restoration, yet I’m tired of focusing on fixing things.

“Parang sa kakaayos ng… sa kaka-focus, sa kakaayos, nauubos ako. 

“And nung 2015, it was the most difficult time in my life, na sabi ko sa sarili ko, enough is enough. 

“I want to be happy again, I want to focus on myself first.

“And we have a son and we both love our son very much. 

“Our son’s request is that he doesn’t want this to go public, he doesn’t want anyone to know what’s going on. He doesn’t want to talk about it.

“I’m a very open person. But for the sake of my son, gagawin namin.

“Conscious na rin siya. Siyempre, alam ng mga tao na anak siya ng artista.”

STILL IN CONTACT. Ayon kay Donita, patuloy pa rin ang komunikasyon nila ng kanyang non-showbiz husband. 

Katunayan, narito raw sa Pilipinas ang mister niya noong holiday season.

Dagdag ng actress-TV host, “We spend time to together.”

Hindi naman sinagot ni Donita ang tanong namin kung nasa estado pa rin ba sila ng pagiging regular husband and wife kapag nandito sa Pilipinas ang kanyang asawa.

Paliwanag niya, “Kasi, parang feeling ko, if I say the wrong things, baka lalabas sa diyaryo na ‘wala na sila.’ And inuuunahan kami. 

“So, right now, we’re not very clear about where we are.

“But once na maging clear siya sa akin, you’ll be the first to know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Wala namang problema sa akin na i-share ang tungkol sa buhay ko. 

“Yun nga lang, kinda... we’re okay, but not we’re not really together. 

“So, it’s hard to say... I don’t wanna go ahead of that.”

DIFFICULT SITUATION. Ipinagdidiinan ni Donita na walang kinalaman ang press sa sitwasyon ng kanyang married life at hindi rin dahil sa pagbabalik niya sa acting kaya nagkaroon ng problema sa pagsasama nila ng kanyang asawa.

“I’m in showbiz, but I’m not very-very showbiz.

“The only difference is that nung ikinasal kami, naging very vocal kami about our relationship. 

“It was much celebrated nung ikinasal kami. So much so, kinove pa nga ng GMA-7 yung kasal namin. 

“Naging one month pa nga siya as wedding shoot, parang leading up to my wedding. 

“Parang one-month series pa nga siya, umere yun sa GMA-7 twelve years ago.

“And it was one of the most... parang watched wedding in the entertainment industry.”

Dagdag ni Donita, “With that, there’s a lot of pressure na hindi ko in-expect na magkakaroon ako ng ganitong katinding pagsubok sa marriage ko…

“So much celebrated wedding and then hindi ko ini-expect na magkakaroon kami ng ganitong klaseng pagsubok. 

“Ngayon, I’m in a position where….

“You know, I’m a very honest person. I don’t know how to hide my feelings. I am just who I am. 

“Kung ano ang nararamdaman ko, yun ang isi-share ko.”

Paliwanag pa ni Donita, “I’m just in kinda difficult position for two reasons; number one, yun ang request ng anak ko. 

“Kasi sabi niya, parang he’s still hoping that things are gonna get better and he’s praying. 

“So, if I say something at this point, it’s like binibigyan nila ng kahulugan and then ihi-headline yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, every time na kausap ko ang press, alam ko naman na yun ang trabaho nila, to get updates. 

“Everyone wants to know what’s the score between us.

“Ang totoo niyan, we are not at our best in our relationship. Medyo magulo. 

“But if I say that, baka ang magiging headline niyan, ‘hiwalay na ang mag-asawa.’

“And for me, that’s going ahead of that. 

“So, next time na magkaayusan kami, like last year before I went back to the States to be with my husband, I said, muntik na kaming maghiwalay. 

“But now, okay na kami. We were okay.

"And then we went back to the States and then nagkaroon kami ng mga  matinding pagsubok ulit. 

“So, we decided not be together physically pa rin.

“Kasi he has his job and I have my job.

“So, hindi pa siya clear. 

“If, like, let’s say we both decide na hiwalay na talaga, then, until that day comes na hiwalay na kami, hindi muna ako magsasalita.

“Kasi, who knows, baka magkaayos pa rin kami, kasi both of us want to work it out—yun ang totoo.

“I believe that yung paghihiwalay is really the last, last resort. 

“Kung anuman yung pagkakamali naming dalawa, we’re both willing to work it out.

“First and foremost, we’re physically separated.”

DOES NOT BELIEVE IN DIVORCE. Sa paniniwala ng mga born-again Christians na gaya ni Donita at ng asawa niya, hindi kailanman puwedeng paghiwalayin ng kahit sino ang mag-asawa. 

Kung sakali mang matuloy ang hiwalayan nila, magpa-file ba sila ng divorce o annulment?

Sagot ni Donita, “Ikinasal kami sa Amerika.

“So, if ever we get to divorce, it will be a divorce. 

“So, hindi naman ako naniniwala sa divorce, e.

“Ang upbringing ko, hanggang kaya... there’s no such thing. Yun ang paniniwala ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But going through the things that we’ve been through lately, my personal stand is that it takes two people to save the marriage.

“And if I’m giving all that I can and then the other party is not, it comes to a point where when you’ve lost youself already, it’s time to take a stand for yourself.

“On my end, I’m waiting. And saying, ‘Okay, let’s see if this guy wants to...’

“Kasi he’s saying all the right things. He’s saying he’s willing to work it out. Pero hanggang [salita lang] muna.

“That’s why I’m waiting. 

“And then the next step is divorce na kung ano.

“Pero I don’t like to say those words because my belief is that I have a God who can do the imposible. He can fix any situation.

“But if it comes to the point na I lose myself completely, hindi na dapat yun. 

“So, as of right now, it’s in God’s hand. 

“I can say with all my heart na nagawa ko na lahat ang dapat kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN