Julian Trono denies rumored romance with Buena Familia co-star Kylie Padilla

Julian Trono on what he likes most about Kylie Padilla: "She's very ano, straightforward. Very ano, totoo lang. Nothing more, nothing less. Walang thin line. And siguro iyon din yung reason kung bakit some of the people medyo iba yung ano sa kanya, I mean yung interpretation, kasi nga she's just being real."


Usap-usapan ngayon ang balitang may namamagitan na diumano kina Julian Trono at Kylie Padilla, na gumaganap na magkapatid sa Kapuso afternoon soap na Buena Familia.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa taping ng nasabing teleserye kahapon, January 25, ay kaagad namin siyang inusisa tungkol dito.

“Alam niyo naman po ang tsismis,” nakangiting bungad ng 18-year-old actor-dancer.

“May tsismis kasi... well, frankly, honestly, nakita din kami in some places, iyon nga yung Countdown.”

Ang tinutukoy ni Julian ay ang New Year Countdown ng GMA Network sa SM MOA Arena noong December 31.

"Some people saw her there, and iyon, medyo na-misinterpret kaagad nila yun.”

Ano ang na-misinterpret ng mga nakakita kay Kylie?

“Na she was there, and hindi naman po siya magpe-perform, e.

So, alam niyo naman po yung mga tao.”

Dinalaw siya ni Kylie?

Paglilinaw ni Julian, “Hindi naman, hindi lang naman ako.

“I can’t say naman na ako lang, pumunta din siya ‘coz siyempre andun din sina [Mark] Herras and like everyone, yung mga kasama din namin.

“And alam ko malapit lang din siya nun, she checked in or whatever, basta parang visit lang.

“Gusto lang niya ng ibang New Year kasi hindi naman siya nagka-Countdown and then, yeah, she decided to [watch].”

IS HE COURTING KYLIE? Diretsahan naming tinanong kay Julian kung nililigawan ba niya si Kylie.

“Hindi!” mabilis niyang tugon.

Honestly?

“Pag sinabi ko namang honestly, hindi naman din maku-confirm na nagsasabi ako ng totoo, e.

“So, wala na akong sasabihin.”

Ano ang sitwasyon sa pagitan nila ni Kylie?

Sagot ni Julian, “Wala, we’re just really close and ini-enjoy lang namin kasi kailangang… ewan ko, make good use out of this.

“Of course, yung show, na mag-build ng friendship or certain connection with people, real connection, hindi lang pang-work kundi, di ba, outside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, behind the camera, so…”

Aminado si Julian na sa ngayon ay si Kylie ang pinakamalapit na babae sa buhay niya.

“Yeah! I think, yeah! Oo naman.”

WHAT’S STOPPING HIM? Single silang pareho ni Kylie, ano ang nakakapigil sa kanya para ligawan ang dalaga?

Saad ni Julian, “What’s stopping me? Siguro ano, madali lang kasi yun, e.

“It’s just a label and kung ako man, kung gugustuhin ko man, matagal na.

“Then again, mas… I want to, mas mag-ano pa, mas ma-discover pa kung ano yung nakatago dun sa mga mata niya.

“I mean, with her thoughts... she’s very into her thoughts, e. She writes.

“Feeling ko, iyon yung isa pang nag-connect din sa amin.

“I’m into Film, kasi I’m taking up Film.

“And yung thoughts niya, I mean transferring into a film, kumbaga, parang ang ganda siguro.”

Nag-aaral ng Film course si Julian sa Meridian International College.

“So iyon, more on collaboration, more on work muna, more on creating art, walang… ewan ko, wala munang selfish stuff like relationships.”

Ano na ba ang naging artistic collaboration nila ni Kylie?

“Puro writings pa lang naman. Nagsusulat kami, scripts, poems, pag nasa taping.”  

BIRTHDAY GIFT. Nagkataong 23rd birthday ni Kylie kahapon; ano ang regalo ni Julian sa dalaga?

“Presence, my present is my presence!” at tumawa si Julian.

Wala siyang balak bilhing regalo?

“Siya na lang ang makakaalam nun, if ever.”

Siguradong espesyal ang regalo niya kay Kylie.

Sabi niya, “Lahat naman ng nagbe-birthday, special, e.

“Lalo na yung mga malalapit sa akin, I make sure na I will make them feel special on their birthday so…”

Ano ang ugali ni Kylie na pinakagusto ni Julian?

“Ugali, she’s very ano, straightforward.

“Very ano, totoo lang. Nothing more, nothing less. Walang thin line.

"And siguro iyon din yung reason kung bakit some of the people medyo iba yung ano sa kanya, I mean yung interpretation, kasi nga she’s just being real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very straightforward siya, e, so lahat... minsan hindi naman sanay ang ibang tao na straightforward na ganyan.

“And us artists, people who work in front of the camera, minsan kailangan naming mag-conceal, e.

“Minsan hindi kami dapat magsabi ng, alam mo yun, ng diretso or ng totoo or whatsoever.

“Pero iyon, iyon ang ano niya, yung courage to say the truth and nothing but the truth.

“Medyo mahirap yun, pero iyon siya, e, natural sa kanya yun.”

Physically, ang mga mata ni Kylie ang pinakagusto ni Julian sa dalaga dahil sabi nga niya ay tila maraming nakatago sa mga mata ni Kylie.

“Oo, sobrang dami!”

Hindi pa ba niya nadidiskubre kung ano ang mga nakatagong ito?

“Na-discover ko naman, marami naman akong na-discover.”

Ano ang nadiskubre niya na na-amaze siya?

“Siguro yung love niya sa family niya.

“Very passionate siya when it comes…

“Minsan kasi ano, e, iyon nga, jaded kasi tayo na parang minsan, pag independent na yung isang tao, minsan akala natin hindi na natin pinapakialaman yung family or whatever.”

Namumuhay nang solo si Kylie.

“So siya, kahit alone siya dun sa nangyayari, dun sa work niya din very into her family as in yung nagko-contact pa din sila and all so iyon.”

Hindi pa raw nakikilala nang personal ni Julian ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Hindi naman daw siya matatakot o mai-intimidate na makilala balang-araw si Robin.

“Of course, I’d love to meet the Robin Padilla!” bulalas ni Julian.

Kapag nakaharap na niya si Robin, ano ang unang sasabihin ni Julian dito?

“I’m a big fan, sir!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN