Kylie Padilla says Julian Trono broke her belief about falling for someone younger than her

Kylie Padilla reveals Julian Trono somehow broke her belief about falling for someone younger than her: "Ako personally, ako noon, hindi. Kasi may judgment na ako na yung bata, magloloko pa 'yan. Iyan yung age na magloloko talaga siya. Pero parang iba, e. Nasira niya and nabasag niya, and we're not even ano pa... ano pa lang."


Nagpaliwanag si Kylie Padilla, 23, tungkol sa napapabalitang relasyon diumano nila sa tunay na buhay ni Julian Trono, 18.

Gumaganap ang dalawa bilang magkapatid sa GMA-7 afternoon series na Buena Familia.

Pahayag ng Kapuso actress tungkol sa isyu, “Siguro yung friendship namin, na hindi ko naman itinatago.

“Kasi I was invited nga to ano, yung Countdown. Tsaka sa side ko naman, I went there as a normal person.

“Hindi naman ako pumunta dun bilang artista kasi wala naman akong prod [production number] dun.”

Ang New Year Countdown ng GMA Network nitong nakaraang December 31 sa SM Mall of Asia ang tinutukoy ni Kylie.

Performer si Julian sa naturang event, si Kylie ay hindi.

Patuloy ng dalaga, “Tsaka first ano ko yun... gusto ko din pumunta kasi never pa akong nakapunta sa Countdown. Never pa akong naka-experience.”

Si Julian ba ang pinuntahan niya sa naturang event?

Tanggi ni Kylie, “Hindi! Iyon na nga, gusto kong makapanood, pero nandun sila, so…

“Like, I wanted to see kung ano bang nangyayari sa Countdown kasi never pa akong nakapunta.

“And sobrang saya lang para sa akin kasi, alam mo yun, hindi ako nag-New Year bilang artista, nag-New Year lang ako bilang Kylie.”

Sino ang nag-imbita sa kanya na manood?

Hindi agad nakasagot si Kylie bago sinabing, “Them?”

Si Julian ba ang nag-imbita sa kanya?

“No, no... family. Family.”

Ang pamilya ni Julian ang nag-imbita sa kanya?

“Oo,” pagkumpirma ni Kylie.

Gaano siya kalapit sa pamilya ng binata?

“Oh, I love them! Parang second family ko na sila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa taping ng Buena Familia sa Sct. Gandia, Quezon City, nitong Lunes, January 25.

Nagkataon ding noong araw na iyon ang mismong 23rd birthday ni Kylie.

IS JULIAN COURTING HER? Nanliligaw ba sa kanya si Julian?

“Hindi,” ang mabilis na sagot ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang magiging reaksiyon niya kapag niligawan siya ni Julian?

“Tingin ko pagtatawanan na lang namin. ‘Weh, corny mo!’”

Paano nga kapag nanligaw na ang binata sa kanya?

“Hindi ko alam, ayoko nang pangunahan lahat, ayokong pangunahan lahat kasi baka madala lang.

“Ayokong madala, ayokong madala!” bulalas ni Kylie.

Sa hiwalay na panayam ng PEP, tinanong namin si Julian kung ano ang pumipigil sa kanya para ligawan si Kylie.

Sagot ni Julian: “What’s stopping me? Siguro ano, madali lang kasi yun, e. It’s just a label…”

Ano ang reaksiyon dito ni Kylie?

Saad niya, “Iyon nga yung nagustuhan ko sa kanya, parehas kami...

“Hindi naman sa lahat, pero pagdating sa mga ganyan, may wisdom na rin siya.

“Sa age niya na ganyan, ha, ang bata pa niya.

“Ako, sinabi ko na rin yun na, ‘Hala, si Julian ang bata pa niyan!’

“Pero nung nakilala ko na siya, may wisdom siya, so dun ako natuwa.

“Gusto ko yung may natututunan ako, hindi yung puro pa-cute na lang, ganun na lang ba tayo palagi?”

DOES AGE MATTER? Eighteen years old si Julian, samantalang 23 si Kylie.

Limang taon ang pagitan nila; open ba si Kylie sa posibilidad na magkaroon ng karelasyong mas bata sa kanya?

Tugon niya, “Ako personally, ako noon, hindi.

“Kasi may judgment na ako na yung bata, magloloko pa ‘yan. Iyan yung age na magloloko talaga siya.

“Pero parang iba, e.”

Nasira ni Julian ang pananaw na iyon ni Kylie dati?

“Nasira niya and nabasag niya, and we’re not even ano pa... ano pa lang.”

Nakita raw niya na hindi maloko si Julian.

“Tsaka ano, e, nakakasama ko yung pamilya niya, e. Alam mo yun?

“Dun mo makikita sa pamilya kung saan siya nagmana, kung kanino, and nakita ko naman na sobrang ang saya ng pamilya nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw naipapakilala ni Kylie si Julian sa ama niyang si Robin Padilla.

“Pero alam ni Papa. Na yung best friend ko ngayon, siya, alam ni Papa.”

Kailan niya ipapakilala si Julian kay Robin?

“Si Papa kasi may sinabi siya, ‘Huwag mo nang ipakilala sa akin, anak, kung hindi mo pakakasalan!’

“Oo, so tingnan natin, hindi ko alam.

“Pero basta alam ni Papa. Ayoko ng nagtatago kay Papa.”

Natuto na siya sa nakaraan?

“Oo, ayoko na din ng nai-stress siya!” tawa niya.

FRIENDS TO LOVERS. Pareho silang single ni Julian; ano ang nakakapigil sa kanila para magkaroon sila ng relasyon?

Saad ni Kylie, “Ako kasi, personally, ang dami ko nang… ang pangit pakinggan, pero napagdaanan… tungkol sa love.

“And ayoko nang magmadali. Ayoko ng yung magiging mga kaibigan ko dun papunta lahat.

“Nalulungkot ako pag may naging kaibigan ako, tapos if ever man na-in love kami sa isa’t isa, tapos mawawala kasi nag-break kami, dun ako pinaka nalulungkot.

“Kasi hindi naman… ayoko lang naman ma-in love e, hindi lang yun, e.

“Yung friendship yung hinahanap mo, di ba?

“E, medyo may pagka-introvert ako, so nalulungkot ako.

“Mas gusto ko munang marami na lang akong kaibigan.”

Sa ngayon ba ay mas matimbang para kay Kylie ang pakikipagkaibigan kaysa pakikipagrelasyon?

“Oo, oo,” tugon niya.

BIRTHDAY GIFT. Ano naman ang regalo sa kanya ni Julian sa birthday niya?

Ayon kay Kylie, “Marami siyang regalo.

“Simple lang, minsan pinagda-drive niya ako.

“Kasi alam naman niyang puyat ako, so sabi niya, ‘Halika, pag-drive na lang kita para hindi ka ma-stress.’

“Pupunta ako ng bangko, ganyan. Ang saya lang.

“First time ko na maranasan yung may best friend na ganyan, na talagang gagawin lahat.”

Ano ang magiging reaksiyon niya kapag niligawan siya ni Julian?

“Tingin ko pagtatawanan na lang namin. ‘Weh, corny mo!’”

Paano nga kapag nanligaw na ang binata sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam, ayoko nang pangunahan lahat, ayokong pangunahan lahat kasi baka madala lang, ayokong madala, ayokong madala!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN