Ayon sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kapatid ni Cristine na si Ara Mina pagkatapos ng kasal, medyo maulan-ulan daw sa isla kaya pasado alas-diyes na ng umaga nasimulan ang seremonya.
Paglalarawan pa ni Ara, super intimate lang ang naging kasalan.
Kabilang sa mga dumalo sa seremonya ay ang apat na kaibigan ni Cristine, ang isa pa nilang kapatid na si Heidi at asawa nitong si Alfred Gatmaitan, anak ni Ara na si Mandy, at ilang kapamilya ni Ali.
Simple din lang ang naging kasuotan ng bride at groom.


[gallery id="9233"]
Sa isang panayam, sinabi nina Cristine at Ali na pinili nila ang petsang January 27 dahil ito ang araw na naramdaman nila na mahal na nila ang isa't isa.
