Luis Manzano confirms relationship with Angel Locsin is on the rocks

Luis Manzano says relationship problem with Angel Locsin has something to do with the conflict that they've had since they got back together in February 2014.


Inamin ni Luis Manzano na may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nila ng kasintahang si Angel Locsin, kasunod ng mga lumabas na ulat na break na diumano sila.

Bukod sa pag-amin ni Luis na may pinagdadaanan sila ngayon ni Angel, sinabi rin ng Kapamilya TV host-actor na may kinalaman ito sa matinding away nila mula nang magbalikan sila noong February 2014.

Gayunpaman, tumanggi si Luis na magbigay ng detalye.

Ayon sa ulat ni MJ Felipe sa Bandila nitong Miyerkules ng gabi, January 27, may isang source na nagsabing inaayos pa umano nina Luis at Angel ang kanilang relasyon, kung kaya't hindi pa makapagbigay ng kumpirmasyon ang binata kung tapos na nga ang kanilang relasyon.

Gayunpaman, mahal pa rin daw ni Luis si Angel kaya naman dumalo ito sa premiere night ng Everything About Her, ang pelikula ng aktres kasama ang ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos, noong Martes, January 26.

Sa ulat na lumabas sa PEP nitong umaga ng Miyerkules, binanggit ang pag-iyak ni Angel sa taping ng Pilipinas Got Talent, kung saan isa sa mga hurado si Angel habang host naman si Luis.

Nang makitang lumuluha si Angel, nilapitan ni Luis ang aktres at nagkaroon ng maiksing pag-uusap ang dalawa na ikinakilig naman ng mga tao.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang pinagdadaanan pala ng dalawa ang sanhi ng pag-iyak ni Angel.

Read: Have Angel Locsin, Luis Manzano called it quits?

Naging magkarelasyon sina Luis at Angel noong 2007 subalit naghiwalay sila noong 2011.

Muli silang nagkaroon ng komunikasyon at nagkamabutihan noong 2013 at inamin na sila ulit noong February 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN