Julie Anne San Jose reiterates Jake Vargas is not courting her

Julie Anne San Jose on rumored romance with Jake Vargas: "Jake and I are friends and we enjoy each other's company. Tsaka ano naman po, e, masaya naman po talagang katrabaho si Jake. So, hindi po totoo."


Muling iginiit ni Julie Anne San Jose na walang namamagitan sa kanila ng kanyang co-star sa Buena Familia na si Jake Vargas.

Sabi ng Kapuso actress-singer, “Hindi po, hindi po talaga.

“Jake and I are friends and we enjoy each other’s company.

“Tsaka ano naman po, e, masaya naman po talagang katrabaho si Jake.

“So, hindi po totoo.”

Nanliligaw ba sa kanya si Jake?

Sagot ni Julie Anne, “A, for me… hindi po.”

Bakit tila nag-isip muna siya bago sumagot?

“Hindi! Hindi!” ang natatawang pagtanggi ng dalaga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero maalaga sa kanya si Jake?

“Gentleman siya,” sambit ni Julie Anne.

Never pa daw silang lumabas ni Jake on a date, sila lang o kahit isang grupo.

Paliwanag ng multi-platinum artist, “Kasi hindi po talaga nagtutugma yung schedules namin, e.

“So, busy po siya, busy din ako.”

Kung manligaw si Jake, ano ang magiging reaksiyon niya?

Sabi ni Julie Anne, “Siyempre ano… I dunno.

“Kasi hindi ko po talaga napo-foresee na magkaroon muna ng relationship right now, kasi sobrang dami ko rin po talagang ginagawa.

“And focused ako ngayon sa work and I think it’s gonna be a great year!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN