Meryll Soriano considers Jerika Ejercito and her child with Bernard Palanca as family

Meryll Soriano chooses to focus on her career than to entertain suitors. She explains, "After kong magpahinga, after kong magbalik from school, parang mabagal na mabagal ang pasok ng work. So, parang you get to realize a lot of things. So ngayon, excited na excited akong magtrabaho talaga. I mean, to be in this business talaga."


Kinumpirma ni Meryll Soriano ang naging pahayag ni Bernard Palanca na mas close pa ngayon ang aktres at si Jerika Ejercito.

Si Meryll ay dating asawa ni Bernard, kung saan mayroon silang isang anak na lalaki.

Si Jerika naman, anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez, ang girlfriend ngayon ni Bernard; mayroon na rin siyang isang anak dito.

Sabi ni Meryll, “Close talaga kami, lalo na nang manganak si Jerika. Pero I’ve known Jerika for a long time.”

Bakit naging mas close sila nang nanganak ito sa baby nila ni Bernard?

“Kasi, magka-school lang naman kami that time, hindi kami magkaibigan that time. Kumbaga, lower batch sila sa akin. 

“At saka siyempre, magkapatid sila ni Eli [anak nina Meryll at Bernard], so I made it a point that I’m there to support that.

“Tapos, we’re family.

“Kahit anong gawin mo, pamilya na kami. Connected-connected na kami,” saad niya. 

Kung pagbabasehan ang Instagram posts ni Jerika, mapapansing malapit din ito sa anak nina Meryll at Bernard.

Pagkumpirma naman ng aktres, “Oo, sobrang ma-effort si Ika to see Eli. Na-appreciate ko talaga yun.”

MERYLL’ S LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ngayon ni Meryll?

“Wala rin,” sagot niya. “Busy talaga ako ngayon at, by choice, ayoko talaga.”

May dalawang taon na rin daw ang huling relasyon niya; taga-London ang naging boyfriend niya.

“Ano lang siya, hindi naman yun serious talaga. Nandito lang ako sa point ng buhay ko na gusto kong magtrabaho.”

May mga nagpaparamdam ba sa kanya?

“Kasi, hindi ko na ini-entertain talaga at all,” diin niya.

“Kapag may nagyayaya sa akin kung gusto kong mag-coffee, ang sasabihin ko, engaged na ako, sa sarili ko.”

Pagkatapos nito ay ipinakita ni Meryll sa amin ang suot niyang engagement ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bumili ako ng singsing sa China!” natawang sabi niya.

“E, kapag binigyan ko pa ng opening, binigyan ko pa ng chance.

“From now on, I’m engaged to myself until I become successful.

“Yun ang goal ko.”

Ano ba ang definition niya ng ‘successful’?

Sagot ni Meryll, “Maraming work. Sobrang dedicated sa showbiz.

“I mean, after kong magpahinga, after kong magbalik from school, parang mabagal na mabagal ang pasok ng work.

“So, parang you get to realize a lot of things.

“So ngayon, excited na excited akong magtrabaho talaga.

“I mean, to be in this business talaga.

“Kasi, parang hindi ko naman talaga hilig talaga noon. Parang lumaki lang talaga ako sa industriyang ito.

“Twenty-three years na akong nagtatrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN