Eat Bulaga! renews ties with GMA Network; AlDub, JoWaPao to continue with Kalyeserye

Patuloy na mapapanood sa GMA Network ang longest-running noontime show na Eat Bulaga, pagkatapos muling pumirma ng executives ng Kapuso network at TAPE Inc. ng panibagong kontrata ngayong Huwebes, January 28.


Pumirma ng renewal of contract ang Eat Bulaga! sa GMA Network nitong Huwebes ng hapon, January 28.

Present sa contract signing ang big bosses ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Mr. Felipe S. Yalung.

Sa panig naman ng TAPE Inc., sina Mr. Tony Tuviera at Ms. Malou Choa-Fagar ang pumirma.

Sinaksihan ito nina Senator Tito Sotto at Joey de Leon; kasama ang iba pang Dabarkads na sina Pia Guanio, Anjo Yllana, Allan K, Ruby Rodriguez, Jimmy Santos, Patricia Tumulak, at ang JoWaPao trio nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na naka-costume bilang Lola Tinidora, Lola Nidora, at Lola Tidora.

Dumating din ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, na pinagkaguluhan ng GMA staff at pumila pa para lang magpa-picture sa kanila.

Nakaw-eksena naman ang tatlong lola na masayang nakipaghuntahan sa big bosses ng GMA-7.

STILL A KAPUSO. Hindi malinaw kung tatlo o apat na taon ang bagong kontratang pinirmahan ng TAPE sa Kapuso network.

Basta sinabi ni Mr. Tuviera na wala silang problema sa GMA-7 kaya nagdesisyon silang mag-renew muli ng kontrata.

Sa kasalukuyan ay 21 years nang umeere ang Eat Bulaga! sa bakuran ng GMA-7 mula pa noong January 28, 1995.

Sa kabuuan ay 37 years nang napapanood tuwing tanghalian ang Eat Bulaga!.

Pahayag ni Mr. Tuviera, “Many years ago, binigyan kami ng GMA ng isang tahanan at yun ang naging dahilan para maipagpatuloy namin ang pagbibigay ng tuwa at saya sa aming mga manonood. Maraming salamat sa pagtitiwala ng GMA.”

Saad naman ni Atty. Gozon, “I’m very happy na tayo na naman ang pinili ng Eat Bulaga! na home station nila, at wala tayong problema over the past 15 years.

“So, there will be more of the same—more success, more ratings, more friendship, more fellowship.

“Itong Eat Bulaga! ang pinakamatagal [na show] sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro wala na talagang alisan, dito na talaga sa Eat Bulaga! sa GMA.”

TRES LOLAS. Ipinangako naman nina Jose, Wally, at Paolo na tuloy pa rin ang tatlong lola sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!, at marami pa raw mga karakter na lalabas.

Sabi ni Wally, “Yung mga lola siyempre mananatiling nandiyan.

“Pero masusorpresa naman kayo kasi may mga karakter na lalabas.”

Singit ni Jose, “Iba-iba ito, na masusorpresa kayo.”

Natatawang sabi naman ni Wally, “Iba-iba na malamang tayo-tayo pa rin yun!”

Napapag-usapang bibigyan daw silang tatlo ng sarili nilang show, pero mukhang matagal pa raw iyon.

Hindi raw nila puwedeng gamitin ang karakter ng tatlong lola sa ibang show.

Sabi ni Paolo, “Sa Bulaga lang ito.”

Ayon pa kay Jose, “Kung meron man, siguro matagal pa yun.

“Hindi puwedeng ibigay yung karakter namin kundi sa Eat Bulaga lang.”

Bukod sa Eat Bulaga, napapanood din sina Jose at Wally sa weekly comedy-variety show na Sunday Pinasaya.

ALDUB. Paulit-ulit namang nagpapasalamat sina Alden at Maine sa Eat Bulaga! dahil sa tagumpay na tinatamasa nila ngayon.

Nabuo raw ang magandang friendship nilang dalawa, at sobrang kampante na raw sila sa isa’t isa.

Iba na raw ang bonding nilang dalawa kumpara noon.

“Meron naman po, pero sa amin na lang po yun,” sagot ni Alden nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang bonding nilang dalawa.

Kung ano ang nakikita sa Kalyeserye, ganun pa rin daw sila off-cam, na minsan ay mas higit pa dun.

Pahayag ni Maine, “Hindi naman po nalalayo, e. Mas kengkoy, mas riot pa nga, e.”

Pati ang pagsusulatan nilang dalawa ay totoo raw kahit bahagi lamang iyon ng kuwento sa Kalyeserye. Ayaw nga lang nilang isapubliko pa ang ibang sulat na ibinibigay nila sa isa’t isa.

Sabi ni Maine, “Kahit part siya ng Kalyeserye, yung isinusulat namin dun as in sa amin talaga yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Alden, “Basta ito po, what you see is what you get.”

Susog ni Maine, “Sa akin, ganun din po. Kasi kung ano man yung nakikita nila, yun na po.

“Wala naman po kaming itinatago, e. Kung ano ang nakikita nila on cam, yun din po off cam.”

Dagdag pa ni Alden, “Kasi po kung ano man po yung nagma-manifest pag nagkasama kami, mahirap pong pekein yun, e.

“Especially si Maine na hindi naman siya showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN